Pangkalahatan at ang Pag-angat ng Agham

Ang bahaging ito ng aklat ay nag-aalay una sa pag-aaral ng ilang sistema ng buhay na ating inaangkin sa ating daigdig sa pangkasalukuyan.

Sumusunod ang pagsusulit na kinakailangan na ating bigyan ng kasagutan kung anong pinaka magandang sistema na makakapuno sa ating mga pangangailangan sa pagpapaunlad at pagkakaroon ng magandang uri ng pamumuhay.

Ito ay makakatulong din sa atin upang ating matukoy ang mga pumipigil sa sibilisasyon at pagsulong, at gayun din doon sa mga hindi nagbibigay ng pangunahing pagpapahalaga sa pamantayang moral at pag-uugali na nagpapatatag ng haligi ng lipunan, ng kaisipan, at katangian ng pangangatawan ng isang tao.

Para magtagumpay ang pangkalahatang sistema, kailangan nating angkinin ang makakapag-bigay at makakatimbang ng ating mga pangangailangan para sa matiwasay na pamumuhay at maiwasan ang anumang paglabag na maaaring magbunga sa pagkasira at pagkawala ng sangkatauhan.

1.Budismo, Hinduismo at Agham

Kung ating bibigyan ng pagkakataon ang Budismo nangangahulugan ng kumpletong pagbibigay ng panahon sa pagsamba sa idolo at pagbibigay ng panahon na ilayo ang sarili sa pakikisalamuha sa mga tao at paghiwalay mula sa kapaligiran na kanyang kinabibilangan, na kung saan ay napupuno ng walang katarungan.

Ang tao, ayon sa Buddismo, ay kinikilala na pinagmumulan ng kasamaan. Upang siya ay magkamit ng katapatan, kinakailangan na iwanan niya ang mundo at mamuhay ng kumpletong pagkahiwalay. Ang gayun uri ng pilosopiya ay hindi magtatagumpay sa pagbibigay ng kapayapaan ng kaisipan sa mga taga-sunod nito.

Sa Hinduismo at budismo, ang mundo ay itinuturing na masama, at ang kaligtasan ay nauunawaan sa pagtanggi dito, nangangahulugan, bilang kalayaan mula sa mundo, sa karagdagan, ginagawa ng relihiyong ito ang pansariling kaligtasan, ang makasariling pananaw, gayung ito ay binibigyan nila ng kahulugan sa ngalan ng kamalayan na maaari lamang na pansarili. Ang pakikipag-ugnayan sa labas ng kanilang daigdig ay binibigyang pananaw bilang isang kasamaan.

Anumang kaayusang panlipunan ang naitatag ng Hindu sa ngalan ng estado, sa pangunguna ng emperor, isang sibilisasyon o isang kakaibang kumunidad ng tao ito ay isinasagawa mula sa pagkaligaw sa kanilang mga katuruan.

Sa pangkasalukuyan ang sistema ng india ay binabase sa demokrasya, sa kabila ng mga bahagi ng hindu na gumaganap ng pangunahing pagganap sa pulitika ng India.Aking iniisip ang gayung pag-uugali tungo sa buhay ay hindi katanggap-tanggap sa isang mundo na katulad natin na kung saan ang higit na pag-unlad sa larangan ng teknolohiya ay nangyayari at naging pangunahing bahagi ng ating mga buhay.Walang pagaalinlangan, marami sa pag-angat ng mga kalakalan ay nagdudulot ng hindi magagandang resulta sa parehong aspetong panlipunan at sa kalusugan sa ilang kabahagi ng lipunan.

Ang bagong sibilisasyon na walang kinikilalang Diyos, sa ibang pagmamataas, ay nagbibigay sa tao ng kumpletong kalayaan upang ilagay ang kanyang sarili sa lahat ng aspeto ng walang limitasyon o pagpapahalaga maging sa kalikasan man o sa mga tao. Na makikita sa hindi responsableng pagsasagawa sa pagbuo ng pinagmulan at sa pagkasira ng kapaligiran. At pang materyal na hangarin ang nagsisilbing harang sa mga mata ng mga tagapagbuo laban sa nagbabantang suliraning moral, panlipunan at kalusugan na ipinalalagay na hindi inaasahang banta sa sangkatauhan.

Ang materyal na katugunan na hindi karaniwang nagtatagumpay ay palagiang nabibigyan ng paghahanap. Aids, ang cancer, kahirapan, ang kakulangan sa karunungan, ang paninigarilyo, ang ipinagbabawal na gamot, ang alcohol at ang ibang napakaraming sulira panlipunan ay labis na lumalaganap at lumalago. Ang paghahangad sa materyal ay nagiging pangunahing mithiin kapalit ng pag-uugali at moral. Magkagayun pa man, ang pag-iwas sa ibang napakataas na di pagsang-ayon na maging kabahagi ng mga gawaing pandaigdig ay salungat sa tunay na kalikasan ng tao. Ang pangangailangan ay lubhang kinakailangan para sa isang sistema na hindi nagpapasailalim sa isang makipot na makamundong hangarin ng mga walang pag-iingat na makasariling kabahagi ng mababang antas ng lipunan;

kasabay nito ang pagbibigay ng paghahambing sa pagitan pangangailangan ng tao upang mapaunlad ang agham at teknolohiya.

2. Ang Islam at Agham

Binigyan ng katugunan ng islam ang ganitong uri ng suliranin sa pamamagitan ng mahinahong pangyayari na nauukol sa paksang ito. Hindi itinatanggi ang karapatan ng sinumang tao na makamtan ang maligayang buhay hangga’t hindi niya nalalabag ang karapatan ng ibang nilikha ni Allah, gaya ng Kanyang ipinahayag sa banal Quran.Quran 7:31-32.

“ O mga angkan ni Âdam! Sa tuwing kayo ay magsasagawa ng ‘Salâh’ ay maging malinis kayo at magsuot ng mga malilinis na kasuotan bilang pantakip sa inyong ‘Awrah’ at kumain kayo at uminom mula sa mga malilinis na ipinagkaloob ng Allah sa inyo, at huwag kayong magsayang sa pamamagitan ng pagiging mapagaksaya. Katiyakan, ang Allâh ay hindi Niya naiibigan ang mga mapag-aksaya sa pagkain, sa inumin at sa iba pa. Sabihin mo, O Muhammad(saw), sa kanila ng mga ‘Mushrikin:’

“Katiyakan, ang anumang ipinahintulot ng Allah na mga kasuotan at mga malilinis na pagkain at inumin, ay karapatan nila na mga naniwala sa Allâh dito sa buhay sa daigdig na karapatan din ng iba, subali’t ito ay bukod-tangi na para sa kanila na mga mananampalataya sa Araw ng Muling Pagkabuhay. Ang katulad ng paghahayag na ito ay kapahayagan ng Allah sa Kanyang talata para sa mga tao na nakaaalam kung ano ang ipinapahayag sa kanila at ito ay kanilang nauunawaan.

Ang anumang uri ng pamumuhay na humahadlang sa pagunlad ng tao sa larangan ng agham at teknolohiya na makakapagbigay ng kapakinabangan sa tao ay hindi nararapat na piliin upang maging pamamaraan ng pamumuhay. Ang Islam ay tumatayo sa bagay na ito, sapagkat ito ang tanging relihiyon na bukas ang pintuan para sa pagtunghay sa lahat ng bahagi ng agham. Ang mga muslim ay hindi magtatagumpay sa larangan ng agham at teknolohiya kung ilalayo nila ang kanilang mga sarili sa tunay na katuruan ng Islam. Ang mga kolonialista at ang mga orientalista ay natuklasan ang bagay na ito at kanilang sinubukang ilayo o iligaw ang mga Muslim mula sa tunay na pinagmumulan ng pag-unlad. Karamihan sa mga tagapagtala ng kasaysayan ang nakakaalam nito, ang ilan sa kanila ay si, Philip Hitti, ay nagwika habang nagtutukoy ayon kay Al-Khawarzmi, ang ikinararangal na isang pantas ng mga muslim sa larangan ng Matimatika:

Karamihan sa mga tagapagtala ng kasaysayan ang nakakaalam nito, ang ilan sa kanila ay si, Philip Hitti, ay nagwika habang nagtutukoy ayon kay Al-Khawarzmi, ang ikinararangal na isang pantas ng mga muslim sa larangan ng Matimatika:

Ang isa sa kinikilalang may pinakamataas na kaisipan sa larangan ng agham ng Islam, Al Khawarizmi, ay walang pag-aalinlangan na isang tao na nagsagawa ng malaking bahagi sa kaisipan ng matimatika noong panahon ng Middle ages.

Si M.Charles, isang pantas mula sa pransya, ay tumunghay sa naibahagi ng isa pang muslim na bihasa sa larangan ng matimatika, na si Al-Battani, sa pagsasabing:

Si Al-Battani ang kauna-unahang gumamit sa kanyang mga gawain ng mga katagang “sine at cosine”. At ito ay kanyang ipinakilala sa geometric calculus; ito ay tinawag na“extented shadow” na tinatawag sa makabagong trigonometry na “tangent”.

Binibigyang diin ng mga tagapagtala ng kasaysayan na ang makabagong agham ay nararapat na ipagpasalamat sa mga muslim sa kanilang napakalaking naibahagi sa pagsulong ng karamihan sa agham. Gaya ng ipinahayag ni Fauriel (1846):

Ang pagkikipag-ugnayan ng dalawang sibilisasyon— kristiyano at Muslim – ay nabuo sa pamamagitan ng ordinaryo at hayagang landas. At dito, ang pagkakalakal at ang mga pagbisita ay nagdudulot ng malaking pagganap. Ang mga gabay sa paglalakbay sa kalupaan at maging sa karagatan sa pagitan ng silangan at kanluran ay malinaw na ipinatutupad mula pa noong ika 6 na siglo. Ito ay mula sa Espanya, Sicily at sa hilaga ng Pransya kung saan ay napapailalim sa pangunguna ng Saracen na kung saan ang naging dahilan ng pagpasok ng islamikong sibilisasyon sa Europa.

Sa kalagitnaan ng 19 siglo, ang sibilisasyon ng mga muslim ay nangunguna na sa Espanya. Ang mga kastila ng mga panahon na iyon ay tinitignan ang arabik na nasakalagitnaan ng agham at sining. Ang kahalagahan nito ay katulad ng ecclesisastical authorities had been complled na nagtataglay ng mga tinipong canons na ginagamit sa mga simbahan ng mga kastila na isinalin sa wikang romance ( the predecessors of modern spanish) para sa dalawang wika na kung saan ay ginagamit ng lahat ng Espanyang Muslim.

Ang kristiyanong Espanya ay kinikilala ang mataas na pagkakaiba ng mga muslim. Noong mahigit na 830, Si Alphonse the great, ang hari ng Austriano, ay nagpadala ng dalawang pantas ng Sacaren Muslim upang magsilbing tagapagturo para sa kanyang anak at ng tagapagmana ng kanyang trono.

At makaraan magsagawa ng masigasig na pananaliksik sa pagkakaiba ng bibliya at ng Quran sa larangan ng pagtuklas ng makabagong agham, ang kilalang dalubhasa mula sa bansang pransya at ang mga kagawad ng Paaralan ng Agham ng Pransya kanilang napag-alaman ang kawalan ng anumang salungatan sa pagitan ng nilalaman ng Quran at ng mga natuklasan ng makabagong agham. Maliban dito, kanila ring natuklasan na ang Quran ay nagpapaliwanag sa wastong pamamaraan sa parehong aspeto ng mga bagay na hindi kayang abutin ng kaisipan ng tao at ng mga bagay na hindi nakikita.

Ang Quran ay sumunod mula sa dalawang kapahayagan nauna dito at ito ay hindi makikitaan ng anumang pagsasalungatan sa mga kapahayagan nito, ang mga tanda ng pakikitungo sa ibat-ibang uri ng tao na makikita sa ebanghelyo, ngunit nagkakaloob ng mataas na antas sa lahat ng naghahanap ng kasagutan nito sa isang pantay at sa pamamagitan ng katotohanan ng agham, halimbawa; ang boung kasunduan nito sa larangan ng makabagong pagtuklas ng agham. At ano pa ang mas higit, ang mga salaysay ay matatagpuan dito na may kaugnayan sa agham: at maging sa kasalukuyang panahon ay hindi lubusang maisip na ang mga tao noong panahon ni Muhammed, ang may-akda ng mga yaon.

Ang makabagong kaalamang pang-agham magkagayun; ay pinahihintulutan tayo na maunawaan ang ilang pahayag sa Quran, na kung saan, hanggang sa kasalukuyan , ay mahirap o imposibleng hanapan ng katugunan.

3. Ang idinulot ng agham ng Muslim sa Europa

Ang pagiging tanyag sa larangan ng agham ng mga Muslim ay lumaganap ng napakalayo at napakalawak, at naakit nito ang mga dalubhasa ng kanluran ng Andalusia, Sicily at maging hanggang sa katimogang bahagi ng Italy. At sa kaparehong panahon, kung saan ang sibilisasyon ng mga Muslim ay umuunlad sa kapanahunan ng kalagitnaang panahon, ang mundo ng mga kristiyano ay namumuhay sa dilim ng kapighatian. Si Philip Hitti ay nagpahayag: Walang ibang tao ang nakagawa ng isang napakahalagang bahagi sa pag-unlad ng sangkatauhan na katulad ng ginawa ng mga

arabo, at kung ating kukunin ang salitang ito upang ipakita sa lahat na ang ginagamit nilang salita ay arabiko at hindi sa lahat ng namumuhay sa peninsula ng Arabia. Sa loob ng daang taon, ang Arabik ang wika ng paghahanap ng kaalaman, kultura at ang pag-unlad ng kaalaman para sa boung nangungunang daigdig, maliban sa malayong katimugan. Mula noong ika siyam na daang taon hanggang sa ika labing dalawang daang taon, ay maraming pilosopical, ang medisina, ang kasaysayan, ang relihiyon, ang astronomical at ang geographical na mga Gawain na naitala sa arabik kaysa sa ano pa mang wika ng mga tao.

Ang pangunguna ng mga Muslim sa larangan ng agham at ang paglaganap ng kaalaman ang nagbunsod ng pagsisimula ng ating makabagong pag-unlad sa larangan ng agham at teknolohiya. Si al-Nadawi ay nagbigay ng pananaw sa bagay na ito sa pagsusulat:

Kasabay nito, sa pamamagitan ng Islam at sa impluwensiya na naidulot ng agham ng mga Muslim ang lawak ng kaalaman ay lumaganap sa Bansang Europa.

Ang mga tagapag-isip at ang mga dalubhasa ay binigyan ng katapusan ang pang-aalipin sa kaisipan; tahasan nilang pinabulaanan ang mga haka-haka na binuo ng mga simbahan na kung saan ay naaayon sa hindi makatarungang mga katibayan at nagpapahayag ng kanilang sariling pag-aaral. Ang kapangyarihan ng Papal70 ang siyang binibigyan ng kahalagahan at siyang nangunguna. Ito ay bumubuo ng paghahanap ng kasagutan sa pamamagitan ng pag-aaral upang makatuklas at isulat sa aklat, ang mga palatandaan na nakaukit sa mga bayan, sa kabahayan, sa silong ng bahay, mga yungib at sa mga malalawak na lugar.

Kanilang ginagampanan ang kanilang tungkulin ng may pagsusumikap sa hindi makataong pamamaraan na kung saan ay ipinapanawagan ng mga taong may kaalaman sa pag-aaral patungkol sa diyos(theologian) na sadyang imposible sa isang tao na maging kristiyano. , at mamatay sa kanyang higaan. Tinataya sa pagitan ng 1481 at 180 ang pag-aaralay nagbigay ng kaparusahan sa mahigit na 340,000 na katao, at humigit kumulang sa 32,000 ang sinunog ng buhay, kabilang na ang mga tanyag na dalubhasa sa larangan ng agham, si bruno na ang tanging nagawang kasalanan ay ang pagtuturo ng pagbabago ng daigdig.

Si Bruno ay ibinigay sa samahan ng hindi kasapi sa relihyon upang bigyan ng kaparusahan na may kaawaan at hindi dadanak ng dugo, kung saan, sa katotohanan ay isang nakakatakot na sangkap upang sunugin ng buhay ang isang bilanggo, si Galileo, isang dalubhasa sa larangan ng agham, na walang halaga, na salungat sa kasulatan, ay pinahirapan ng samahan upang mapanatili na ang mundo na umiikot sa paligid ng araw.

Ayon kay Draper sa kanyang aklat na pinamagatang History of Conflict sa pagitan ng Relihiyon at ng Agham, ang hindi pagganap ng kaalaman ng mga pangunahing pamunuan ng mga relihiyon at sa karahasan na isinasagawa sa pagsusuri na pinangungunahan ang umuunlad na bahagi ng lipunan ng Europa upang labanan hindi lamang ang di pag-sangayon sa mga namumuno ng mga samahan ng relihiyon at ng simbahan, ngunit gayon din ang di pagsang-ayon sa lahat ng kagandahang-asal at ng anumang uri ng katotohanan na hindi nasira ng mandarayang namumuno ng relihiyon.

4. Ang kababawan ng makabagong Agham

Ang pag-aaral ng Agham, na ipinagkaloob ng Islam sa kanlurang panig ng mundo ay napakalaking bagay na naaayon sa katuruan ni Allah. Magkagayun pa man, magmula noong ika-labing apat na daang taon hanggang sa kasalukuyang panahon, ang lipunan sa panig ng kanluran ay lumayo mula sa naka-ugaliang Agham ng Islam.

Ninanais ng Islam na ang tao ang mangunguna sa lahat ng tungkulin ng umuunlad na Agham na magbibigay ng kapakinabangan sa lahat ng tao na hindi magdudulot ng anumang pinsala sa ibang tao; habang nagbibigay galang sa kalikasan. Binibigyan din ng pananaw ng Islam ang napakahalagang alituntunin o prinsipyo na ang agham ay hindi maaaring maging diyos, sapagkat sa isang napaka simpleng kadahilanan, na kung saan; ang ating kaalaman sa larangan ng Agham ay magkakaugnay at kaakibat ng imahinasyon. Isinulat ni Muhammed Qutb:

Ang diyos ng Agham, samakatuwid, ay naging lubhang pabago-bago at palagiang nagpapalit at patuloy na nagpapalipat-lipat ng katayuan, ang pagtataas ng isang bagay bilang isang patunay at katotohanan sa ngayon at sa di pagtanggap nito sa mga susunod na panahon bilang pagkakamali at walang katotohanan. Magkagayon, ang mga mananampalataya nito ay nagdurusa sa patuloy nitong katayuan ng walang kapanatagan at walang katahimikan, at papaano sila makakatagpo ng kapahingahan at kapayapaan ng kaisipan sa ilalim ng pabago-pabagong diyos? At ang makabagong kanluran ay labis na naaapektuhan ng ganitong walang kasiguraduhan at walang kapahingahan ay inilalabas ng malaking bilang ng karamdamang emotional at ang pagkakaroon ng takot na kung saan ay tinataglay ng makabagong pamayanan sa ngayon.

at kanya ring idinagdag: At isa pang naging resulta ng ganitong pagkakamali ng makabagong Agham ay ang ating mundo na kung saan tayo ay nabubuhay ay hindi naging tanggap sa lahat nitong pakahulugan at layunin , ng walang mataas na kaayusan o kapangyarihan na ito ay gabayan. Ang kaguluhan at ang di pagkakaunawaan sa pagitan ng magkaibang lakas ay ang siyang naging kautusan ng araw nayon. At bilang resulta ang lahat sa mundong ito ay nagbabago

.Ang maling paggamit na ito ng Agham ay nakasira sa lahat ng aspeto ng buhay—pulitika, ekonomiya, edukasyon, kalusugan, at maging ang hindi inaasahang katotohanan ng mundo ng Agham. Ang lahat ng mga bagay na ito ay nagtutulak sa tao na maghanap ng isang sistema na kung saan siya ay makakatagpo ng katuparan ng lahat ng kanyang naisin, katiwasayan, katahimikan at kalayaan mula sa mga hindi napagkakasunduan.

Ang isa sa halimbawa ng gayung uri ng walang gabay na Agham ay ang hindi pagbibigay ng makatarungang pagkilala sa mga lahing itim sa ilang malaking bahagi ng bansang Amerika. Ang paglago ng rasismong peke at ang pagiging tanyag ng panlipunang enginnering ng latin Amerika ang mga namumunong puti ay pinangunahan ang panlipunang di pagtanggap sa populasyon ng mga lahing itim. Ang masugid na tagasunod ng French Pilosopher na si Auguste Comte ay nag-isip na ang mga africano ay naging malayo mula sa kalagayan ng pagbabagong teknikal at sila ay hindi binibigyan ng pansin. Ang pagsangayon sa panlipunang Darwinism ay nagpapalagay na ang lawak ng pluralistic na pamayanan ay isang tanda ng pangunahing kahinaan sapagkat kanilang ipinapalagay ang likas na pangunguna ng mga lahing puti.

5.Bakit hinihikayat ng Islam ang Agham at ang pagangat nito?

Bakit ba ang Islam ang tanging uri ng pamumuhay na nagtitipon sa pangangailangan ng tao para sa pagsulong at ang pagtuklas ng mga bagay sa kanyang kapaligiran? Ang mga magandang katangian na naging dahilan kung bakit ang Islam ay naiiba sa ibang mga pananampalataya ang nagbigay ng malalim na hangarin kay Gibb ( isang kilalang Orientalist ) na magsulat: Ang uri ng pamayanan na binubuo ng mga kumunidad para sa kanyang sarili ay matibay na nakatuon sa paniniwala nito kung saan ang kalikasan at ang layunin ng nilikha at ng lugar ng mga kaluluwa ng tao ay napapaloob dito. Ito ay isang kilalang matibay na doktrina at inuulit-ulit sa mga pangaral ng binibigkas ng mga nangangaral sa kristiyanismo lingo-

lingo. Ngunit ang Islam ay maaaring ang natatanging relihiyon, na palagiang naghahangad na bumuo ng isang pamayanan sa ganitong paniniwala. At ang pangunahing kagamitan ay ang batas (Sharia).

Bakit ang Islam ang natatanging relihiyon na nakakatupad sa mga pangangailangan ng mga sangkatauhan at kumikilos at nakakabagay sa nilikha sa mahinahong pamamaraan? Ito ay sa kadahilanang ang lahat ng ibang relihiyon at mga pananampalataya ay hindi kaylan man isinagawa ang tunay na pagkilala sa tanging nag-iisang Diyos bilang pamamaraan ng pamumuhay. Kanilang binibigyan ng pagpapahalaga ang katauhan ng diyos sa kalikasan. At sa kanilang palagay ang mga pagkakasalungatan ay isang prinsipyong kabahagi ng kaalaman.

Samakatuwid, sa panahon ng mahigit isang libong taon, nang ang kristiyanismo, sa pagbibigay ng halimbawa, ay ang siyang nanguna sa kaisipan ng mga tao, ang bahaging ito ay hindi nakapagbigay ng anumang likas na Agham.

Ang mga kristiyano, hindu, Budismo, at iba pa. ay hindi nagawang tanggapin ang isang maka-agham na paguugali hanggang nabuksan ng Islam ang kanilang mga kaisipan mula sa kanilang pagsamba sa kanilang kinikilalang mga diyos76, na kung saan ay ipinapatupad ng mga namumuno ng relihiyon, hanggang sila ay mamulat sa pakikipaglaban ng agham ng Islam, walang sinuman sa Hinduism, Buddhism, at maging ang Kristiyanismo ay magagawang itaas ang kanilang mga taga-sunod na maisama sa tuwirang pag-iisip. Maliban na lamang kung sila ay magiging muslim at sila ay sasamba lamang sa natatanging Diyos, sila ay magiging mga dalubhasa sa larangan ng Agham at mga kilalang mga matatalinong mga tao na kabilang sa mga arabong muslim ng panahon na yaon. Ang mga halimbawa mula sa talaan ng kasaysayan na ipinakita ay maituturing na isang napakalaking katibayan at pagpapatutuo.

Maaaring makamit ng mga muslim ang mga katangiang kinakailangan para sa kaisipan sa larangan ng Agham at ng pag-angat sa dalawang kadahilanan. Una; ang Maluwalhating Quran at ang mga Maluwalhating nakaugalian o tradisyon ni Propeta Muhammed, na nagtutulak sa mga tao na pag-isipan at pag-aralan ang kanilang sariling kalikasan at maging ang kanilang mga sarili at ang mga nilikha sa kanilang kapaligiran.

  • “Katiyakan, ang Allah ang Kataas-Taasan at Punung-Puno ng Karangalan na Ganap na Makapangyarihan na walang sinuman ang makagagapi sa Kanya, na ‘Ghafour’ – Ganap na Mapagpatawad, na ginagantimpalaan ang mga sumusunod at pinatatawad. (Quran 35:28)
  • “Sabihin mo, O Muhammad : “Maaari bang magkapantay ang nakakikilala sa Allâh at sa Kanyang tunay na ‘Deen,’ sa mga yaong wala silang kaalam-alam hinggil sa mga bagay na ito?” Kailanman ay hindi sila maaaring maging magkatulad. Ang nakaaalaala lamang at nakaaalam ng pagkakaiba nito ay ang mga taong nagmamay-ari ng mga matitinong kaisipan. (Quran 39: 9)
  • “ Iniaangat ng Allâh sa antas ang mga mananampalataya na mga malilinis ang kalooban mula sa inyo at iniaangat din ng Allâh sa antas ang mga nagtatangan ng kaalaman ng mga matataas na antas na masaganang gantimpala na mga antas na kalugud-lugod sa Allâh. At ang Allâh ang Siyang Khabeer – Ganap ang Kanyang Kagalingan na Nababatid Niya nang ganap ang inyong mga gawain, na walang anumang naililihim sa Kanya, at ayon dito kayo ay tinutumbasan. (Quran 58:11)
  • “Hindi ba nila napagtutuunan ng pansin ang Kabanalbanalan na Qur’ân at ang nilalaman nito na katotohanan para unawain at alamin, dahil ito ay inihayag na nasa ganap na kaayusan at kaangkupan, na walang pagaalinlangan, ito ay nagmula lamang sa Allâh na BukodTangi? At kung ito ay nagmula sa iba bukod sa Allâh ay makakakita sila rito ng maraming pagkakasalungatan. (Quran 4:82)

“Hindi ba batid ng mga walang pananampalataya na katiyakang ang mga kalangitan at kalupaan ay dating isang bagay lamang na magkasama bilang isang piraso at walang anuman ang nasa pagitan ng dalawang ito, walang ulan mula sa kalangitan at walang tumutubong pananim mula sa kalupaan, at pagkatapos ay pinaghiwalay Namin dahil sa Aming kapangyarihan, at nagbaba Kami ng ulan mula sa kalangitan, at nagpasibol Kami ng mga pananim mula sa kalupaan at ginawa Namin na nagmumula sa tubigang lahat ng bagay na may buhay, kung gayon, hindi ba nararapat na maniwala ang mga tumanggi at paniwalaan nila ang anuman na kanilang napagmasdan, at sambahin lamang nila ang Allâh nang bukod-tangi?

(Quran 21:30)

“Walang pag-aalinlangan, ipapakita Namin sa kanila na mga hindi naniwala ang Aming mga palatandaan sa mga kalangitan at kalupaan, at ang anumang ginagawa ng Allâh dito sa dalawang ito na mga dakilang pangyayari, at sa kanila mismong mga sarili at ang mga nasa loob nito na mga kamangha-manghang palatandaan ng Allâh at Kanyang mga magagandang nilikha, hanggang mapatunayan nila mula sa mga palatandaang ito ang patunay na walang pag-aalinlangang ang Dakilang Qur’ân ay katotohanan na ipinahayag mula sa Allah na Tagapaglikha ng lahat ng nilalang. Hindi pa ba sapat sa kanila ito bilang tanda na ang Dakilang Qur’ân ay katotohanan, at ang sinumang nagdala nito ay totoo bilang pagtitestigo ng Allâh? Katiyakan, ang Allah ang ‘Shaheed’ – Saksi na Siya ay tumitestigo rito bilang patunay na Siya ang Ganap na Nakababatid sa lahat ng bagay, at wala nang hihigit pa na mas dakila kaysa sa pagtestigo ng Allah.(Quran 41:53)

Ang karamihan sa mga tanda na ito ay malinaw na binanggit sa Quran at sa huli; ay natuklasan ng mga dalubhasa habang lumalalim ang kanilang kaalaman at ang kanilang mga pamamaraan sa larangan ng Agham sa makabagong pagtuklas. Ang mga sumusunod na sipi ay tumutukoy sa isang tanda na kung saan ay nakita ng mga dalubhasa sa larangan ng Agham ang kumpletong talaan sa banal na Quran.

“O di kaya, ang kanilang mga gawain ay magiging katulad ng mga kadiliman sa ilalim ng malalim na karagatan na ang nasa ibabaw nito ay alon, na ang alon na ito ay napangingibabawang muli ng panibagong mga alon, at nasa ibabaw nito ang mga makapal na ulap, na matitinding kadiliman na magkakapatung-patong sa isa’t-isa, kung sakali na ang isang tao na nasa gayong kalagayan, na kapag iniunat niya ang kanyang kamay ay talagang hindi niya ito maaninag sa tindi ng kadiliman, (Quran 24:40)

At ating mauunawaan mula sa mga sumusunod na pahayag na nagmula sa nabanggit sa sipi ng Quran “… sa ilalalim ng dagat. Ito ay natatakpan ng mga alon, at sa ibabaw kung saan ay alon, at sa ibabaw ay mga ulap…’ Na ang ilalim ng tubig ng dagat at ng karagatan ay natatakpan ng mga alon, at sa ibabaw nito ay ibang mga alon. Malinaw na ipinahahayag na ang pangalawang bahagi ng mga alon ay tinataguriang alon sa ibabaw na kung saan ay ating nakikita, sapagkat ang sipi sa quran ay nagpapahayag na sa ibabaw ng pangalawang alon ay mayroong mga ulap, ngunit, papaano ang unang alon? Ang mga dalubhasa kamakailan lamang ay kanilang natuklasan na mayroong alon sa ilalim, na kung saan ay nangyayari sa pagsalubong ng dalawang magkaibang dami ng tubig. ( Tingnan ang paglalarawan sa ibaba)

Ang alon sa ilalim ng dagat, na kung saan ay nangyayari sa pagsalubong ng dalawang magkaibang dami ng tubig.

Ang tinatawag na alon sa ilalim ng tubig ng dagat ay tinatakpan ang kalaliman ng dagat at karagatan sapagkat ang kalaliman ng dagat ay nagtataglay ng mataas na antas kaysa sa tubig na nasa ibabaw nito. Ang pang-ilalim na alon ay nagsisilbing pang-ibabaw na alon, ang mga alon na ito ay nangyayari na nababasag din kagaya ng pangibabaw na mga alon.ang tinatawag na pang-ilalim na alon ay lingid sa paningin ng mga tao, ngunit ito ay mapagaalaman sa pamamagitan ng pag-aaral ng antas ng temperatura at ng antas ng pagpapalit-palit ng taas ng pagkaalat ng tubig (salinity) sa naturang lugar.

Ang bahagi na ito na binanggit sa Quran ay nagpapahayag ng kadiliman na matatagpuan sa ilalim ng dagat at karagatan, na kapag iniunat ng tao ang kanyang kamay, ito ay hindi niya makikita. Ang kadiliman sa ilalim ng dagat at karagatan ay matatagpuan sa mahigit dalawang daang metro (200m) pababa, Sa lalim na ito ay halos walang liwanag ( tignan ang larawan sa ibaba). Sa lalim ng mahigit na isang libong metro (1000 m) ay walang anumang liwanag na makikita. Ang spectrum ay hinihigop isa-isa sa unang 200 metro, maliban sa asul na ilaw. Hindi makakaya ng tao ang pumailalim sa ilalim ng tubig na may apatnapung metrong lalim ng walang anumang tulong ng sasakyang sumisisid at mga kagamitan na nauukol sa ganitong gawain.

Hindi magagawa ng tao na mailigtas ang kanyang sarili ng walang anumang tulong sa madilim na bahagi ng karagatan, gaya ng lalim na dalawang daang metro at mas malalim pa. Kamakailan lamang ang mga dalubhasa ay natuklasan ang kadilimang ito sa pamamagitan ng mga makabagong kagamitan at ng mga sasakyang sumisisid o submarino na kung saan ay magagawa nilang pumailalim sa malalim na bahagi ng karagatan.

At magkagayun pa man, ang sipi na nahayag sa Quran na nagsasaad kung papaano nalikha ang kalawakan ay nagtataglay ng kumpletong kaalaman na kung saan ay nabigyan ng pinakamataas na parangal (Noble Prize) ang dalawang dalubhasa sa larangan ng pag-aaral ng mga bagay sa daigdig at sa kalawakan at ang nilalaman nito (physics) noong 1973, Magkagayun pa man, ang lahat ng mga detalye ay ipinahayag na kay propeta Muhammed noon pang mahigit na 1400 taon na ang nakakalipas.

At sa pangalawa, ang Tawhed ( ang tanging pagsamba lamang kay Allah)ay ang isang sangkap na kung bakit nabuo ang Islam. Hindi nito kinikilala ang lahat ng alamat at ang lahat ng mga salitang pawang haka-haka lamang, kung saan ay nagsisilbing mahigpit na kaaway ng agham. Ang Tawhid ay tumutukoy sa lahat ng aspeto ng kapakanan ni Allah , samakatuwid, ang mga pantas ay kinakailangan na maghanap ng sapat na kasagutan at tuklasin ang napapaloob dito, alamin sila, at ilagay sila sa kapakinabangan ng sangkatauhan.

Matapos ang mahaba at mapait na pakikipaglaban sa pagitan ng agham at ng mga relihiyon, dumating ang Islam upang magbigay ng katiwasayan sa pagitan ng relihiyon ni Allah at agham sa mahabang panahong ito.

At naaayon sa paksang ito, ang samahan ng mga Muslim sa mundo ay nakagawa ng isang kilusan o samahan na nagtatangi sa paghahanap ng matibay na kasagutang napapaloob sa agham na ipinaliliwanag sa Quran at sa mga kaugaliang isinagawa at nabanggit ni propeta Muhammed.

Sa pagbubuod, ang ibang uri ng pamumuhay( kristiyanismo, Budismo, kapitalismo, kumunismo at hinduhismo) ay hindi dumating sa pagkakataong magkaisa sa pagkakaroon ng pang-unawa kay Allah , ng tao at maging ng kalikasan. Magkagayun, ang kanilang pananaw hinggil sa agham ay isang pagkakamali.

Ang kaisahan ng Islam ay pinahihintulutan ang tamang pananaw hinggil sa wastong pagsasagawa ng makaagham na pananaw na naaayon sa mga bagay at maging sa batas ng kalikasan, kung saan ay nagpapakita ng pagsulong at pagtaas ng antas sa larangan ng agham at teknolohiya. Ang gayung uri ng pang-unawa ng katotohanan at ang ugnayan sa pagitan ng mga tao at ng kalikasan at sa karagdagang pagganap ng muslim ay malinaw na ipinakikita mula sa mga pahayag ni Dr. Mahathir Mohammed’s sa isang Pang-Islamikong pagdinig na ginanap sa Oxford: Sa makabagong mundong ito; ang mga muslim ay ang may tunay na hangarin. Kinakailangan nilang mapanumbalik ang kahalagahang ispiritwal sa mundo na kung saan ay patungo na sa hindi pagtanggap na mayroong Diyos at higit na pamumuhay sa material.

Isang kalapastanganang maituturing ang pag-iisip na nababatid nito ang lahat ng kasagutan sa mga katanungan ng lahat ng bagay; isang mundo na kung saan ay magagawang mapaunlad ang mga pangunahing pamamaraan ng pagkasira at ibigay ito sa mga kamay ninumang hindi gumaganap ng kanilang tungkulin at walang katinuan sa pag-iisip, isang mundong katawa-tawa sa gilid ng katapusang likha ng tao.

Sa kasalukuyan, ninanais ng mga tao na makalikha ng isang mundo na naaayon sa kanilang ninanais. Iyon ay kanilang nakalimutan para sa kanilang kaalaman, magagawa nilang bigyan ng katugunan ang mga katanungang “BAKIT”. Hindi nila kayang bigyan ng kasagutan kung bakit ito ay kumikilos sa paraang nais nito, bakit ang kalikasan ay gumaganap sa nais nito, bakit ang mga bagay ay gumaganap sa paraan nito, bakit ang hangin at ang elementong Hydrogen ay nakakabuo ng tubig, at iba pa. Ang ating pagsubok sa sistemang agham ay maaaring makapag-bigay ng ibat-ibang pamamaraan upang ating makamtan ang lubusang pagbibigay ng pananaw at malinaw na pagpapaliwanag hinggil sa batas ng kalikasan. Ang sapat na kakayahang magpaliwanag ang siyang mananatili sa lahat ng pagkakataon na hindi kayang abutin ng agham ng tao. At kung anumang kasagutan na mahahayag, ito ay isang haka-haka lamang.

Ang ika-dalawang’put isang siglo ay sadyang hindi naging kaaya-aya sa mga muslim at maging sa mga hindi muslim. Ito ay nagsilbing isang bahagi lamang ng panahon, na kung saan ay nakitaan ng maraming pagbabago na naging kabahagi ang mga muslim, sa kabila ng kanilang katayuan tungo sa kanila. subalit mas mainam kung ito ay kanilang haharapin na bukas ang kanilang mga paningin at ng may malinaw na pagtanaw sa kung ano ang nais nilang gawin at nais nilang kalalagyan. At kapag kanilang pinili ang isang matibay na pagganap habang kanilang pinanatili ang kanilang pananampalataya, ang kanilang prinsipyong espiritwal at ang pagkakapatiran, ay kanilang magagawa na makapagbigay ng tama para sa ikakaunlad ng sangkatauhan.

Sa aking palagay, kinakailangan ng wakasan ang paksang ito sa pamamagitan ng mga salita ng isang kilala at tanyag na tagapagtala ng kasaysayan ng agham, V.Robinson, sa kanyang paglalahad ng kalagayan ng Espanyang Muslim sa panahon kung saan naghahari ang kasamaan sa Europa.

Ito ay isang paala-ala na naaayon sa layunin ng islam bilang isang dalisay na pagganap para sa paggabay at makatuturang agham; na kung saan ang hangarin nito ay para sa kapakinabangan ng sangkatauhan.

Ang europa ay nagdidilim sa paglubog ng araw, at ang Cordova ay nagliliwanag sa pamamagitan ng pampublikong mga ilaw; ang Europa ay marumi; ang cordova ay gumawa ng libong panglinis; ang europa ay natatakpan ng mga peste, ang cordova ay nagpapalit ng kasoutan araw-araw, ang europa ay nagtatampisaw sa putikan, ang mga lansangan ng cordova maaliwalas; ang mga palasyo sa europa ay nagtataglay ng mga butas na kung saan ay lumalabas ang usok sa silungan ng bahay, ang pagkakatayo ng cordova ay maganda; ang dignidad ng Europa ay hindi maaaring maging pangalan nito; ang mga kabataan ng Cordova ay nag-aaral; ang mga monks ng Europa ay hindi nakakabasa ng gawaing pag-aalay; ang mga guro ng Cordova ay lumikha ng aspeto ng silid aklatan ng Alexandrian.

Ang pagtatapos na ito ay nagpapakita sa ika-apat na prinsipyo patungo sa kung saan ang pangkalahatan ng islam ay tumatalakay—na ito ay nagkakaloob ng isang napakataas na katugunan sa mga suliraning hinaharap ng sangkatauhan kaysa sa paglikha ng bago.