Ang Pangkalahatan at Pagkakapantay-pantay
Ang panuntunan ng pagkakapantay-pantay ng pakikitungo sa mga mamamayan ng may iba't ibang lahi o kulay, katayuan ng ekonomiyang panlipunan at kultura ay hindi makikita mula sa nangungunang idolohiya ng pangkasalukuyang daigdig.
Ang lipunan ng India ay labis na nagdusa mula sa mahigpit na pamamalakad ng uri ng sistemang panlipunan na tinatawag na Castes sa loob ng daang taon; Castes: ang ilang tao ay tumitingin sa inaakalang diyos (Avatar)*,samantalang ang iba ay pinatutunguan ng kaunti na mas mainam pa sa mga alipin. Sa kabila ng katotohanan ang kristiyanismo ay malimit na ginagawang uri ng sistema o pamamaraan ng pamumuhay, ito ay nagtataglay, ng ilang makabagong katuruan ng paniniwalang sinusunod o doktrina na maaaring ituring na may pinapanigan.
Isinasaalang-alang ng Talmud* ang sistema sa judismo*na nararapat bigyan ng kakaibang karapatang higit na mataas sa lahat ng ibang tao (Hentil)*.
Ang talaan ay maaaring palawakin upang ibilang ang salawikain ng komunistang pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao ay magkatulad-ngunit hindi ipinamumuhay, ngunit sa katotohanan, ito ay nangangahulugan na ang ilan ay mas matimbang kaysa sa iba. Ang kapitalismo, kung saan ay isinasagawa ng pamayanan sa kanluran, ay hindi handa sa pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay, dahil hinihikayat nito ang pagkakahati-hati sa pagitan ng mayaman at ng mahihirap. Sosyalismo*, na kung saan ang kaisipan nito ay dapat na mapabuti ang pagmamalabis ng kapitalismo at komunismo, matagumpay na binibigyang diin ang likas na kahinaan ng komunismo at kapitalismo, ngunit, hindi niya mapatunayan sa kanyang sarili na ito ang mas kapaki-pakinabang na alternatibo.
Sa lahat ng mga umiiral na uri ng idolohiya o ang bahagi ng paniniwala o prinsipyo ng tao, natatanging Islam lamang ang nanatili na natatanging pinamimilian na sumasangguni sa lahat sapagkat iginagalang nito ang karapatan ng lahat ng tao at itinuturing ang lahat ng tao bilang kasapi ng isang nasyon na namumuhay sa pamamahala ng Diyos(Allah), sa kapayapaan at katiwasayan sa kabila ng kanilang pagkakaiba.
Ang nakaraang kaganapan at ang makabagong katibayan ay kumakatawan bilang isang tagapagpatunay sa hindi maitatanging islamikong pagkakapantay-pantay.
1.Kristiyanismo at ang pagkakapantay-pantay.
Sa bahaging ito, aking masusing pinag-aralan ang ilang katuruan ng relihiyong kristiyanismo upang aking matukoy kung ang gayong uri ng pananaw ay maaaring iharap sa lahat ng tao sa kabila ng kanilang pagkakaiba .
upang maging parehas, ang batayan ay isinagawa sa aklat ng kristiyanismo, Ang Bibliya, upang maitala kung ang mensahe ni hesus ay para sa mundo o limitado sa oras at lugar sa kanyang mamamayan, ang mga Israelita.Magkagayun,ito ay hindi nagpapakita ng pangkalahatang pag apela.
Ayon kay Mateo, ang mensaheng natanggaap ni Hesus ay limitado sa iisang nasyon. Si Hesus ay malinaw na nagwika sa kanyang mga kautusan sa kanyang mga alagad na hindi nila
ikakalat ang mensahe sa labas ng tribo ng Israel.
“Wag kayong pumaroon sa landas ng mga hentil, at kahit na anumang mga bayan ng mga samaritano ay wag kayong papasok bagkus kayo ay pumaroon sa mga tupang naligaw sa bahay ni Israel....”
Matthew15:21-25Ang ilang pangyayari na isinalaysay patungkol kay Hesus, na kung saan ay nagpapakita ng higit na paglilinaw ng mga puntos sa katanungan:
“ Pagkaalis sa lugar, si Hesus ay nagtungo sa rehiyon ng Tyre at Sidon, at isang babae na taga canaan mula sa karatig bayan ang lumapit sa kanya na umiiyak, Panginoonanak ni david, , kaawan mo ako! Ang aking anak ay nagdurusa dahil sa pagsanib sa kanya ng demonyo, at si Hesus at hindi nagsambit ng kahit na anumang salita, kaya ang kanyang mga disipolo ay lumapit sa kanya na nagsasabi, na siya ay itaboy, sapagkat siya ay palaging umiiyak sa harap nila, at Siya ay tumugon, “ako ay isinugo lamang sa mga tupang naligaw sa bayan ng Israel”
Mateo 15:24At ang babae ay lumapit sa kanya at lumuhod sa kanyang harapan, Panginoon tulungan mo ako, ang wika niya: Ang mga pahayag o sipi na ito na hinango sa Bibliya,
ay maliwanag na ipinahayag ni Hesus, na ang kanyang mensahe ay kinakailangang ipangaral lamang sa mga mamamayan ng Israel, at hindi sa mga tao sa lahat ng nasyon. Magkagayun pa man, bilang isa na naniniwala na si Hesu- kristo ay isang dakilang mensahero ng Allah, ako ay naniniwala na hindi sinabi ni Hesus, ang nasalunguhitan pahayag na hinango sa Bibiliya(Mateo 15:26).
Sinabi nila Hill at Cheadle(1996), na ang mga maykulay na tao o ang mga lahing itim ay hindi napatunguhan ng mabuti hanggang sa pagkatapos ng kasaysayan ng mga tao ng angkan ng Europa. “ ang kaugalian ng kanlurang Europa ay pangkalahatang inihiwalay ang mga itim hanggang matapos ang kasaysayan, inalis ang kanilang pagganap at ang kanilang naibahagi sa simula o kaya nama’y sila ay tanggalin ng tuluyan.
Magkagayun pa man, ang mga propeta ng Diyos ay hindi kaylanman nagpapahayag ng pagkapoot o ng hindi pantay na pagtingin sa iba, ang patuloy na pagdaragdag sa Bibliya ng ibat-ibang grupo upang pangunahan o impluwensyahan ang katuruan nito para sa sariling kapakanan, ang ilang pahayag o sipi sa Bibliya ay nagpapakita ng kaisipan ng pagkakaroon ng hindi pantay na pagtingin.
At si Maria at si Aaron ay nangusap ng laban Moises sa kadahilanan ng kanyang pagpapakasal sa babaeng etopian: sapagkat siya ay nag-asawa ng babaeng etopian (mga bilang 12:1)
Ang gayung uri ng pahayag o sipi mula sa lumang tipan ng Bibliya ay maaaring nagpapaliwanag ng hindi pantay na pagtingin o pakikitungo laban sa mga Hudyo na nagmula sa mga Afrikano sa bayan ng Israel. Ang pakiramdam ng hindi pantay na pagtingin o pakikitungo sa ilang mga Afrikanong kristiyanong Amerikano ay nagdudulot ng salungat na pakiramdam ng ilang nagungunang Afrikanong-Amerikanong nagpapatupad ng relihiyon o ministeryo. Sa araw ng Biyernes santo,1993 , si obispo George Augustus Stallings, Jr. ng Washington D.C., ay nagsunog ng imahe ng puting Hesus sa lansangan na kanyang sinasabi na” ito ay pagkakamali sa kasaysayan” si Hesus ay isang Afro-asnayong hudyo upang maunawaan ang sukat ng antas ng hindi pantay na pagtingin sa mga makapangyarihang bansa sa mundo,mayroong mahigit tatlong daan at dalawangpu’t pitong grupo na nagtataglay ng mataas na kapangyarihan mula sa lahing puti sa Bansang Amerika.
Ang aklat ng pag-gabay ng mga Hudyo, ang talmud, ang pangunahing makapangyarihan para sa mga Hudyo.11 Sila ay ginagawaran ng katungkulang mas mataas pa sa lahat ng tao. Ang mga Hudyo ang itinuturing na mga taong pinili ng Diyos. Sila ay makapangyarihan, at ang mga hindi Hudyo na nakapaligid sa kanila ay itinuturing na marumi at mababang uri ng tao.Ang dahilan kung bakit inaangkin ng mga Hudyo na sila ang mga taong pinili ng Diyos at ang mga Hentil ay marumi ay sapagkat sila ay naroon sa bundok ng Sinai, at ang mga Hentil ay wala
Nang ang ulopong o ahas ay lumapit kay Eba , siya ay pinuno nito ng maruming pagnanasa...at ng tumayo ang Israel sa Sinai ang pagnanasa na yun ay inalis, ngunit ang pagnanasa ng mga sumasamba sa mga idolo na hindi tumayo sa Sinai, ay hindi nawala
(Abodah Zarah 22b)Ating tunghayan ang Zohar, kung saan ay binigyan ng kahulugan ng pinuno ng relihiyon Judaismo ang talata mula sa Genesis:
“ ngayon ang ulopong ay mas maselan kaysa sa anumang hayop sa kalupaan”. Ang kanilang pagbibigay ng kahulugan ay: mas maselan na patungo sa masama; kaysa sa lahat ng hayop, iyan ay ang mga taong mapagsamba sa mga diyos-diyusan ng mundo. Sapagkat sila ang mga anak ng sinaunang ulupong o sa ibang katawagan ito ay tumutukoy sa demonyo na tumukso kayEba.
( Zohar 1:28b)At sa katotohanan, ang mga hindi hudyo(Hentil). Maging kristiyano, budismo, o ang mga hindu ay hindi itinuturing na kapantay ng mga hudyo kahit sa anumang paraan; ang doktrina ng mga hudyo ay nagpapakilala sa kanila na sila ay hindi mga tao. Ang sumusunod na sipi o kapahayagan mula sa talmud na magagawang mag-isip ng malalim ng sinuman kung sa paanong pamamaraan nila minamaliit ang ibang tao sa pamamagitan ng salita at gawa:
Ang isang hentil .... ay hindi kauri dahil sa kaisipang ng pabalik-balik at sa pagiging responsible sa pinsalang dulot ng kanilang kapabayaan; at hindi niya magawang bantayan ang kanyang bakahan. At maging ang pinakamagaling na batas ng Hentil ay hindi makatuwirang tanngapin na katayuan ng pagkakaisa at pagbibigayan.
(Bek.13B)Tignan kung paano ang pagkakasalungatan na ito sa tunay na diwa ng katarungan sa Banal na Quran:
“ o kayong mga nagsisimpalataya! Manindigan kayo nang matatag kay Allah at maging makatarungang mga saksi at huwag hayaan na ang galit at pagkamuhi ng mga iba ay makagawa sa inyo na umiwas sa katarungan. Maging makatarungan( kayo): ito ay higit na malapit sa kabanalan, at pangambahan si Allah.
(Quran 5:8)Ang mga kristiyano at ibang hindi mga hudyo( tinatawag na mga pagano at mapagsamba sa mga idolo sa Talmud), ay hindi nakaiwas mula sa galit at sa hindi pagtitiwala ng mga hudyo:
Kung saan nagkakaroon ng pagtunggali sa pagitan ng mga israelita at ng mga pagano o mapagsamba sa idolo, kung iyong mapipilit ang isa ayon sa mga batas ng Israel, husgahan mo siya at sabihing: Ito ang aming batas, at gayun din naman kung siya ay magagawa mong husgahan sa batas ng mga pagano at mapagsamba sa idolo husgahan mo siya at sabihin mo (sa kabilang pangkat): ito ang iyong batas; at kapag ito ay hindi nagawa, kami aygagamit ng mga paratang upang sila ay aming maiwasan.
( Baba Kama 113a)Ang Encyclopedia ng mga hudyo ay naglahad ng mahalagang saloobin ng isang matalino at edukadong tao hinggil sa batas na ito na nagsasaad:
Ang Mishnah... ay nagpahayag na kapag ang Hentil ay nagkaroon ng pagtutunggali ang hatol ay sa dumidipensa; at kung ang Israelita ang nag-aakusa, kanya namang inaako ang lahat ng kaukulang kabayaran.