Pangkalahatan at ang paglutas sa Suliranin
Ang mga tao sa kasalukuyan ay nahaharap sa dimabilang na mapanganib na suliranin, mula sa suliranin ng bawat isang tao gaya ng; pagkalululong sa mga nakakalasing na inumin at mga karamdaman na may kinalaman sa pakikipagtalik, at ayon naman sa problemang panlipunan;
ang malubhang kalagayan ng mga nakakatanda; ang pang-aabuso sa mga bata at kababaihan, at ang malawakang suliraning pandaigdig katulad ng marahas na digmaan. At kapag ang isang uri ng pamumuhay ay ipinakilala para sa sangkatauhan, ito ay kinakailangan na makapagbigay ng mga karapat-dapat na hakbang upang mabigyan ng katugunan ang gayung uri ng mga suliranin, at magagawa rin nitong mabigyan ng katugunan ang mga suliraning kinahaharap. At walang alinlangan na ang pangunahing pinagmumulan ng ating mga suliranin sa mundo ay bunga ng hindi karapat-dapat na sistemang nananatili na ipinamumuhay na kung saan ayhindi nito kayang magbigay ng siguridad at ng katugunan sa mga suliraning kinahaharap. Magkagayun; ang sistemang ito ay madalas na nag-aanyaya ng mga palatandaan at ng ugat na pinagmumulan ng mga malulubhang suliraning ito.
1.Ang pagkalululong sa mga nakakalasing na inumin at mga ipinagbabawal na gamot.
At kahit na sa kabila ng mga nanatiling sistema, higit sa lahat ang pandaigdigang sistema, ay nakamit ang tagumpay sa malaking bahagi ng agham at materyal, kung saan ay nagdulot ng wastong pagbabago at aliw sa ilan, ang kanilang maling naidulot at tahasang pagganap ay nagdulot sa maraming tao sa pagkasira ng kanilang mga sariling mga gawain at mga kinaugalian. Ang paggamit ng mga malalakas na uri ng gamot, mga ipinagbabawal na gamot, at ng alkohol ay naging problemang pangkalahatan.
Ang lawak ng mga suliraning ito ay nangibabaw sa kalusugan at pangyayaring panlipunan na nagdulot ng labanan sa pagitan ng mga taong nangangalakal ng mga gamot sa maling pamamaraan at sa mga bansa kung saan ay laganap ang ilegal na pagpasok ng mga ipinagbabawal na gamot at sa bansa na ito na tinatangkilik ng ilan. Ang mga krimen na kinasasangkutan ng mga taong gumagamit ng gamot at alkohol ay kakaiba mula sa paglalasing sa publiko o kaya naman ay ang pagmamaneho habang nasa ilalim ng pagkalango sa alak na nagdudulot na makagawa ng panghahalay, ang pagpatay ng tao at mga krimen na nagaganap sa loob ng tahanan.
Noong taong 1979 lamang, ang mga kagawad ng tagapagpatupad ng batas ng bansang Amerika ay nag-ulat na mayroong 2,137,999 krimen na kinasasangkutan ng alkohol.83 Sa katotohanan, ang mataas na epekto ng alkohol ay lubhang nadagdagan mula sa bilang na ito. Noong taong 1975, ay mayroong mahigit 50,000,000 na hindi masyadong umiinom ng alak at mayroon naming 14,000,000 na malakas sa pag-inom ng alak sa bansang Amerika lamang.
Ang pagkalululong ng karamihang Amerikano sa alkohol at mga gamot ay lubhang lumalago at ito ay lumalabas na isang lubhang napakamahal na problemang panlipunan at lubhang napakahirap na mapigilan. Ang sinuman ay makakapagtanong kung bakit ang suliranin sa paglaganap ng nakakalasing na inumin ay naging malubha sa makabagong panahon? Ang katugunan ng limang Amerikanong Sociologist ay ito:
Ang mga nakaraang dekada sa Amerika ay tinatawag na panahon ng kemikal, na kung saan ang mamamayan ay gumagamit ng hindi mabilang na sangkap upang matugunan ang anumang suliraning kanilang kinahaharap: ang sakit ng kanilang pisikal na pangangatawan, ang labis na emosyon, o ang mga nabigong mga pangarap. Ang iba naman ay lubusang nalayo na kung saan ay humahantong sa pagtatalo na nagsasaad na kabahagi na ng kultura ng Amerika ang paggamit ng gamot, at kung ating isasaalangalang ang dami at uri ng mga gamot na nagamit ng mga Amerikano bawat taon, marahil ay mayroong ilan na naaangkop sa kapahayagang ito.
Sa pag-iisip sa lawak na dulot ng pagkalulong sa alkohol at ang pagkalulong sa gamot, maraming bansa ang nagsagawa ng ibat-ibang panuntunan. Ang bansang Amerika, sa pagbibigay ng halimbawa, ay ipinatigil ang paggamit at pagbebenta ng lahat ng uri ng inuming may sangkap na alkohol at ibang uri ng gamot noong 1920 hanggang 1933. Magkagayun pa man, sa kabila ng kakayanan o kapangyarihan ng ahensiya ng FBI at ibang ahensiya na nagpapatupad ng batas, ito ay nagbunga pa rin ng isang malaking kabiguan at ang kanilang panuntunan ay hindi nagtagumpay.
At sa kabilang dako, ang pagsasakatuparan ng National Prohibition Act ay nasundan ng malawakang hindi pagtanggap dito, ang ilegal na paggawa, pagbibiyahe, at ang pagbebenta ng mga inuming may sangkap na alkohol ay naging laganap. 02Pinagkakalooban nito ang isang organisadong kriminal ng isang matibay na mapagkukunan ng pangkabuhayan. Ang boung pagsubok ay nagbunga ng higit na kabiguan.
Ang malubhang suliraning ito ay hindi na nakakapagtaka sa bansang Amerika, sa katunayan, ang halos lahat ng karamihan sa mga lipunan sa mundo ay higit na nagdurusa mula sa paglaganap ng alkohol, higit kaysa sa ibang mga gamot. At ayon sa pag-uulat na inilabas noong taong 2000 sa pang araw-araw na pahayagan ng Russia Kommersant,87 2/3 ng mga kalalakihan sa Russia ay namamatay dahil sa kalasingan at mahigit sa kalahati ng bilang na yun ay namamatay sa pamamagitan ng labis na pagkalulong sa alkohol. Sa loob ng 57.4 taon, ang mga kalalakihan ng Russia ay nagtataglay ng pinaka mababang antas ng pag-asa na mabuhay sa Bansang Europa. Ang pahayagan ay nag-ulat hinggil sa resulta ng tatlong taong pag-aaral sa mga tao na may edad sa pagitan ng 20 at 55 taong gulang sa siyudad ng Moscow at Udmurita na:
“Ang bawat isa ay nakainom ng alak, ang mga mamamatay tao; ang kanilang mga biktima, ang mga nawawalang biktima, ang pagpapakamatay, ang mga nagmamaneho ng sasakyan at ang mga tumatawid sa lansangan na namatay sa pamamagitan ng aksidente sa trapiko, at ang mga biktima ng agarang pagtigil ng tibok ng puso at sakit sa tiyan(ulcer).”Si Mr. Chernyenko, ang pangalawang tagapanguna ng National Organization of Russian Muslim, ay nagbigay ng kanyang pananaw hinggil sa paglaganap ng Alkohol:
Ang sinuman ay makakapagsabi na ang pag-inom ng Vodka o wine ay isang mahalagang bahagi ng kultura ng Russia, ngunit ako ay magiging mabuting mamamayan ng Russia kahit na hindi ako uminom ng inuming may sangkap na alkohol… ang karamihan sa suliraning panlipunan sa Russia ay dulot ng paggamit ng alkohol. Kung ating maipapakilala ang ilang Islamikong ugaling panlipunan sa Russia, ang mamamayan at ang bansa ay magiging malakas
At walang pag-aalinlangan na kahit na ang Judaismo o ang kristiyanismo o kahit na anong ibang sistema ay magagawang makapagbigay ng isang matibay na katugunan sa gayong uri ng suliranin, sapagkat ang paggamit ng alkohol ay isang pangunahing bahagi at kung hindi ang lahat ng kanilang mga panrelihiyon at mga natatanging pagtitipon at kahit na ito ay ipinagbabawal ayon sa mga katuruan ng Bibliya, ang pinagmumulan ng kanilang katuruang pangrelihiyon, at para naman sa mga gamot, ito ay isang patunay na ang isang kilalang bahagi ng tinaguriang kristiyanong pamahalaan ay binibigyan ng pagsang-ayon ang pagiging legal ng mga gamot o magkaroon ng mga ipinatutupad na nakahanay na gawain(programa)—gaya ng pagbibigay ng mga gamit na panturok o injection syringes sa mga taong labis ang paggamit sa mga droga o adik, na kung saan ay nanghihimok sa pakalulong sa droga kaysa sa mapigilan ito. Sa loob lamang ng nakalipas na limang taon, ang pamahalaan ng Amerika ay nakaubos ng 52 billion dolyar sa paglaban sa mga droga kahit na sa maliit na pagtatagumpay kung mayroon man.
Si Heneral Norman Schwarzkopf, pinuno ng pinagsanib na puwersang lakas sa digmaan sa gitnang silangan ay nagpahatid sa kongreso ng Amerika kung paaano ang pagbabawal ng paggamit ng alkohol sa kaharian ng Saudi Arabia ay nagawang mainam at na disiplina ang mga kawal Amerikano, hunyo 13, 1991):
Ang aming pagkakasakit ay nabawasan, ang mga sakuna at mga pinsala sa aming katawan ay nabawasan, ang mga hindi inaasahang pangyayari na may kinalaman sa disiplina ay nabawasan, ang kalusugan ng aming lakas ay nadagdagan, magkagayun ay mayroong napakagandang naidulot ang hindi pagkakaroon ng alkohol sa kaharian ng Saudi Arabia.
Ang Islamikong Sulusyon
Ang paglaganap ng alkohol at ang pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot ay nagpatunay na walang katugunang suliranin sa maraming taong tumutuklas ng katugunan sa suliranin ng lipunan at mga taong nagmamahal sa mamamayan, hindi kasama sa mga nabanggit ang mga tagapagpatupad ng batas at ang mga lumilikha ng mga batas sa lipunan. Sa pagsasa-isang tabi ng kanilang mga kahalagahan, ang lipunan na kung saan ang paglaganap ng alkohol at ang pang-aabuso sa paggamit ng gamot ay naging malubhang nagpapatigil sa pagmumungkahi sa mga nabanggit na pangunahing ugat ng pinagmulan.
At sa kabila nito, sila ay nagbigay ng higit na pagtunghay sa pagpigil sa maidudulot nito sa pamamaraang may pinapanigan at mabagal na pagtugon. Katulad halimbawa ng, walang anumang batas na pumipigil sa paggawa, sa pagbebenta at sa paggamit ng mga inuming may sangkap na alkohol, ngumit mayroong isa para sa pagmamaneho habang nasa estado ng pagkalasing.
Ang maidudulot, hindi ang pinagmulan, ay ang ipinahahayag dito: ang palatandaan, hindi ang karamdaman. Ang mga piloto ay magagawang uminom ng alak sa anumang oras na kanilang naisin maliban na lamang kung sila ay magpapalipad ng eroplano. Ang panghihikayat na tangkilikin ang mga inuming nakakalasing ay laganap kung saan ay natuturuan ang mga kabataan. Ang mga kabataan ay hindi magawang makapaghintay na kanilang maabot ang hustong edad na 18, kayat sila ay nagmamadali na magpunta sa pinakamalapit na tindahan ng mga inumin at bumili ng alkohol para sa kanilang sarili sa unang pagkakataon, na ito ba ay isang banta o “ o isang bagay na dapat gawin.
Ang lahat ng pagkakasalungatan at ang mga pinagsamang panuntunan ay hindi tinatanggap sa Islam. Kung ang alkohol ay makakasama habang nagmamaneho ng sasakyan, magkagayun ito ay makakasama sa lahat ng oras. Kung ito ay makakasama para sa mga nakakabatang mamamayan na may edad 18 pababa, magkagayun ito ay makakasama rin sa lahat ng tao anuman ang kanyang edad. Ang katibayan sa pagsalungat dito ay ang nakakatakot na bilang ng mga karahasan na nangyari sa ilalim ng pagkalango sa alak at ipinagbabawal na gamot.
Ang Islam, ang banal na katuruan ng Diyos, ay dumating upang alisin ang lahat ng suliraning ito, kung gayun, ito ay hindi nag-iiwan ng pagkakataon ng maaaring mangyari na sirain ang sangkatauhan ang mga pamayanan. Ang lahat ng pamamaraan na maipasok ang alkohol ay legal na binabantayan. Kaya, sa halip na mapang-abusong pinagkukunan upang ipagkasundo sa aspeto ng paglutas ng suliranin, ang lahat ng karamdaman ay naiiwasan. Hinahangad ng Islam sa simula pa lamang, na itaas ang pagkamulat ng mga taga-sunod nito. Kaya, ang tulong panlabas ay hindi kinakailangan. Matutunghayan ninuman sa maraming bahagi ng Quran na sinabi ni Allah.
Na kung kaya, maging makatarungan kayo sa pagitan ng inyong mga mahal sa buhay at sa mga kalaban, na kayo ay maging patas sa paghahatol; dahil ang pagiging makatarungan o patas sa paghahatol ay mas malapit sa pagkatakot sa Allâh At ingatan ninyo na kayo ay makagawa ng pang-aapi. Katiyakan, ang Allâh ang ‘Khabeer’ – Ganap ang Kanyang Kagalingan na Nababatid Niya ang lahat ng inyong mga ginagawa at kayo ay Kanyang tutumbasan.
(Quran 5:8)
Ang Islam ay nakabuo ng isang boung sistema ng pamumuhay na kung saan ang lahat ng bahagi nito ay makagawa ng may katiwasayan. Ang mga katugunan na naimungkahi sa lahat ng bahagi ng mundo upang mabigyan ng katugunan ang mga suliranin sa pagtatanong ay hindi maaaring isama sa ibang sistema na parehong kumunidad, at sa naging bunga, ito ay nagdala sa kanila sa isang napakalaking suliraning panlipunan. Ang pagaayuno, isa sa mga haligi ng Islam, halimbawa, ito ay isang kaugalian sa Islam na kung saan ay nanghihimok na maging mapag-alaga sa sarili at maging disiplinado sa bahagi ng mga taga-sunod nito.
Itinuro sa mga Muslim na ginawa ni Allah na ipahintulot ang lahat ng mabuting ari-arian. At ang hindi ipinahihintulot ang mga masasamang ari-arian, Sa Kanyang pagpapakilala sa mga mananampalataya Kanyang sinabi:
Ang Aking Awa na ito ay Aking itatala sa mga yaong may takot [sa Allâh] at umiwas sa mga kasalanan, at sumunod sa Sugo, ang Propetang hindi marunong bumasa’t sumulat at siya ay si Muhammad , na kanilang matatagpuan ang kanyang mga katangian at mga bagay na patungkol sa kanya, na naipahayag sa Aklat ng ‘Tawrah’ at ‘Injeel,’ – at inuutusan sila ng paniniwala sa Kaisahan ng Allâh at pagsunod sa Kanya at sa lahat ng mga nakabubuti, at pinagbabawalan sila ng ‘Shirk,’ pagkakasala at lahat ng karumal-dumal na bagay; at ipinahihintulot sa kanila ang lahat ng mga malilinis na mga pagkain, mga inumin at mga mabubuting gawain, sila ang mga yaong magkakamit ng tagumpay na ipinangako ng Allah sa Kanyang mga alipin na mga mananampalataya.
(Quran 5:157)
Kapag naganap ang gayung uri ng paniniwala sa mga puso ng mga mananampalataya na ang tagapaglikha ng sanlibutan ay nag-uutos sa mga tao na huwag tangkilikin ang gayung uri ng mga gawain o gamitin ang gayung uri ng mga bagay, sa makatuwid ang batas ay katanggaptanggap. Ang gayung uri ng pagsunod ng mga Muslim ay karaniwan na noong bago pa lamang nagsisimula ang Islam. Quraishies(ang mga tao na nakatira sa Makkah) at ang mga nanatiling mamamayang naninirahan noong panahong hindi pa ipinapalaganap ang islam ay nagsasagawa ng pag-inom ng alak bilang isang karaniwang panlipunang pag-uugali katulad ng mga pangkasalukuyang pamayanan ng mga hindi kumikilala sa Allah, magkagayun pa man, matapos na kanilang isuko ang kanilang mga sarili sa kalooban ng Makapangyarihang Allah, sila ay huminto sa pagsamba sa mga imahe at sa pag-inom ng alak mula ng dumating ang pagtawag sa pagsamba sa allah, na nagsabi sa kanila:
“ O kayong mga naniwala sa Allah at sumunod sa Kanyang Sugo! Katiyakan, ang ‘Al-Khamr’ na ito ay ang lahat ng mga nakalalasing na bagay na sinasarahan ang pag-iisip; at ‘Al-Maysir’ – ang pagsusugal na kasama rito ang lahat ng uri ng pustahan at ang katumbas ng lahat ng ginagawa na may pustahan sa magkabilang panig; at hinahadlangan ang mga tao sa pagpuri sa Allâh. Gayundin ang ‘Al-Anzab’ – isang altar na bato na itinuturing na sagrado na kung saan doon nila isinasagawa ang pagkatay ng mga hayop bilang pagdakila sa altar na yaon, at ang lahat ng uri ng mga inanyuang bagay na itinayo para sambahin.
At ‘Al-Azlâm’ – ang mga uri ng pana na itinuturing na sagrado ng mga walang pananampalataya, na bago sila magpasiya ng isang bagay o bago nila itigil ang isang bagay ay isinasagawa muna nila ito. Isusulat nila sa bawa’t pana ang kanilang mga ipapasiya, at pagkatapos ay pipili sila ng isa mula rito, at kung ano ang nakasulat doon sa napili nilang pana ay yaon ang ipapasiya nila. Katiyakan, ang lahat ng mga bagay na ito ay kasalanang mula sa mga panghalina ni ‘Shaytân,’ na kung kaya, layuan ninyo ang mga kasalanang ito nang sa gayon ay magtagumpay kayo ng ‘Al-Jannah’ (Hardin).Katiyakan, ang nais lamang ni ‘Shaytan’ ay pagandahin sa inyo ang mga kasalanan,upang pukawin ang inyong poot sa isa’t isa, at maglabanlaban kayo sa pamamagitan na mga nakalalasing na inumin, at paglalaro ng mga sugal; at ilalayo kayo sa pagpuri sa Allâh at sa pagsa-‘Salah,’ dahil sa pagkasara ng inyong mga kaisipan sa pamamagitan ng pag-inom ng mga nakalalasing at sa walang kabuluhan na pagkakaabala ninyo sa pagsusugal; na kung kaya, itigil ninyo ang mga ito. Sumunod kayo, O kayong mga Muslim sa Allâh at sa Kanyang Sugo na si Propeta Muhammad, sa lahat ng inyong mga gawain at saka sa dapat ninyong iwasan; at katakutan ninyo ang Allâh at maging maingat kayo sa inyong mga ginagawa, at kapag kayo ay tumalikod sa pagsunod at ginawa ninyo ang mga ipinagbabawal sa inyo, dapat ninyong mabatid na ang tungkulin lamang ng Aming Sugo na si Muhammad ay magpahayag sa pinakamalinaw na pamamaraan.
( Quran 5:90-92)
MGA TAO LAHAT SA MADINAH
Ang halos lahat ng tao sa lugar ng Madinah ay agarang huminto sa kanilang pag-inom ng nakakalasing na inumin, at agaran din nilang itinapon ang lahat ng kanilang naimbak na mga alkohol hanggang sa pagkakataon na ang mga daanan ng Madinah ay naging lawa ng alak. Hindi nila nagawang mag dalawang isip na agarang sumunod sa isang banal na kautusan.
Hindi na kinakailangan pa ng panghihimasok ng isang mahusay na mga tagapagmasid o ang paggamit ng bilyon-bilyong dolyar upang ihinto ang nakakasirang nakaugalian. Ito ay isang katotohanan na kung saan ay napapaloob ang lakas ng sistemang Islamiko. Ang mga tao ang nagkusa at nagsuko sa kanilang mga sarili, ng sa gayun ay hindi na kinakailangan pa ng isang pamamaraan na ipapatupad para sa kanila. Ang taos pusong pagpapasakop kay Allah, ang nasa likod ng pagpapasya ng milyong tao upang tanggapin ang Islam bilang pamamaraan ng pamumuhay:
“ Dahil sa kaganapan ng ‘Deen’ at sa mga malinaw na kapahayagan ay hindi na kinakailangan pang pilitin ang iba upang ito ay kanyang tanggapin. Dahil ang mga palatandaan nito ay malinaw na inihihiwalay ang katotohanan sa kamalian, patnubay mula sa pagkaligaw. Kung kaya, sinuman ang hindi naniwala sa lahat ng sinasamba bukod sa Allâh, na samakatuwid ay naniwala sa Allah, siya ay mananatiling matuwid sa Tamang Landas, at pinanghahawakan niya ang ‘Deen’ sa mahigpit na kaparaanan at hindi na siya maihihiwalay pa (sa ‘Deen’ na) ito.
(Quran 2:256)
Ang kusang loob na pagpapasakop sa Islam ay kinakailangang naiiba sa hindi sumasang-ayong panlipunang pagpapasakop ng mamamayang makamateryal. Nang ang batas ng pagbabawal ay ipinatupad ng pamahalaan ng Amerika noong 1920, ang mga tao ay hindi handa sa aspetong Ispiritwal at sa kanilang mga emosyonal na sundin ito. At ang naging bunga nito, walang anumang sistema ng pamumuhay na kung saan ang gayung uri ng batas ay naibibilang. Ang kalakasan ng mga batas na ginawa ng tao ay hindi magawang maipagawa na ito ay ipatupad sa mga taong hindi sumasang-ayon dito. Kung ang panig ay walang pagkakaisa, ang lahat ng bagay ay masisira, sapagkat ang tao ay nabubuhay sa kamangmangan.
2. Ang Krimen
Ang krimen at ang ibat-ibang uri nito- ang pinag-isipang krimen, ang krimen sa lansangan, ang krimen ng estado, at panlipunang krimen, at iba pa..- ay maituturing na isang napakalaking banta sa katiwasayan at siguridad ng ating mundo. Magkagayun pa man, ang detalyadong pag-uusap sa lawak ng suliranin ng krimen bilang isang pangkalahatang kalamidad ay hindi nasasakop ng pagaaral na ito. Ang pagbubuod ng impormasyon na nagpapakita ng paglaganap ng krimen sa Amerika ayon sa talaan ng pamahalaan ng Amerika, ay ipinapakita sa ibaba:
Ang Uniform Crime Report (UCR) ay nagpalabas sa pamamagitan ng Federal Bureau of Investigation (FBI), ay nagsiwalat na ang bilang ng mga napaulat na krimen sa Amerika (gaya ng ng nalahad sa pagbubuod na larawan) ay nadagdagan ng 5.0 pursento noong taong 1976 hanggang 1995. Ang panghuhuli sa mga sangkot sa krimen noong 1985 ay umabot sa 11.9 milyon, na tumaas ng 3 pursento mula noong 1984.
At kahit na ang bilang na ipinakita ay lubhang napakataas para sa isang nangungunang sistemang pangsiguridad, ang inilahad na inpormasyon ng UCR ay labis na pinaniniwalaan ng mga taong nag-aaral patungkol sa krimen na magiging mababa. Ang higit na makapagkakatiwalaan na maaring pagkunan ng kaalaman ay ang U.S. Bereau of Justice Statistics’ National Crime Survey (NCS), ang taunang pag-uulat hinggil sa mga biktima ng krimen na may kinalaman sa pamilya na nakalap ng mga taong naghahanap ng inpormayson. Ang nasasakop ng pag-aaral na ito ang mga krimen na hindi naiulat sa mga taga pagpatupad ng batas. Ang pag-aaral noong 1985 ay nagpapakita na 25 pursento(isa sa apat na kabahayan sa Amerika) ay nakaranas ng krimen laban sa bawat miyembro ng pamilya o sa mismong sarili nitong kapamilya sa loob ng taon na iyon.
Sa kabila ng hindi mababayarang paghihirap ng FBI at ang mataas na bilang ng pagkawala ng buhay mula sa patupad ng batas upang mabawasan ang antas ng krimen sa Amerika, ay kabaligtaran ang nangyayari.
Ayon sa FBI, at Uniform Crime Report (1995), ang kabouang bilang ng mga naiulat na paglabag sa batas gaya ng pagpatay, ang krimen na may kinalaman sa pagmamay-ari, panggagahasa, pagnanakaw, at iba pa, ay nagdagdagan mula sa 11,349,700 noong 1976 hanggang 14,872,900 noong 1992 may karagdagang 3,537,200 na paglabag95 at ayon sa pinaka bagong pag-aaral mula sa Justice Department’s Bureau of Justice Statistics, sa pagtatapos ng taong 2006, maituturing na isa sa mga tatlongpu’t isang may sapat na gulang sa Amerika ay nakakulong o nakahanay sa mga palalayain, o kabilang sa mga.
nakakalayang nasa ilalim ng pagpapatnubay ng mga maykapangyarihan sa batas. pagkaraan ng lahat ng kaalamang ito, mayroon kayang isang tao na may pag-iisip ang aangkin na ang makapangyarihan at namumuno ng makabagong kaayusang pandaigdig ay nakaranas ng isang matinding pagkabigo na mabawasan ang krimen sa kanyang mga nasasakupan na magtatagumpay sa pagbabalik ng kapayapaan at siguridad sa mga natitirang bahagi sa mundo?
Ang naging pag-aaral na ito ay nagpapakita ng, krimen,97 sa magkakaibang mga uri nito, ay naging pangunahing banta sa siguridad ng lipunan at sa bawat isa. Ang krimen mula sa katimugang pagtanaw ay binibigyan ng pakahulugan na: isang pagganap ng isang kasapi ng pinagkaloobang samahang panlipunan, na kung saan ang ibang kasapi ng samahang iyon ay tumatayong taga sira o nagpapakita ng hindi makataong pag-uugali sa mga nagsasagawa nito na kung saan ang samahan ay nagbibigay ng kanilang di pagsang-ayon na isinasagawa sa publikong pagpapahayag, lantad at sama-sama, upang kanilang subukang mapawalang saysay ang ilan sa kanyang mga karapatan na nakita mula sa President Commission on Law Enforcement and the Administration of Justice, at kahit na, ang halos lahat ng mga pamamaraan na ginamit upang labanan ang krimen ay napunta sa pagkakamali at nagkaroon ng labis na pagkukulang upang matugunan ang gayung pagsubok.
Ayon sa mga bagong pag-aaral mula sa bereau of Justice, noong kahuli-hulian ng taong 1970 ay mayroon mahigit sa 268,000 na mga bilanggo sa lahat ng mga estado ng bansa. Sa katapusan ng taong 2006, ay mayroong mahigit 2.4 bilyong bilanggo. Sa kabila ng lubhang pagdaming ito, ang antas ng krimen ay nananatiling mataas.98 ang halos lahat ng tala ng pagaaral ay nalikom ay mula sa kanlurang pamayanan, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng Paglilikom ng mgakapahayagan ayon sa bagay na iyon. Ang pagkabigo ng pamamaraan ng kanlurang bahagi ng mundo upang labanan ang krimen- gaya ng napatunayan ng patuloy na pagtaas ng antas ng krimen—ay nagtutulak sa sinuman na magbigay ng katugunan na kung saan ay nagbibigay ng babala sa mga gawaing kriminal na hindi isang pirasong pagkain. Bagkus ito ay kinapapalooban ng kabuuang sistema ng buhay: isang uri ng sistema na nagbabalik ng kapayapaan at siguridad sa mga buhay ng mga taong mula sa lahat ng nasyon na sumasailalim dito.
Ang Islamikong Katugunan
Ang mga tao sa kasalukuyan ay nahaharap sa di-mabilang na mapanganib na suliranin, mula sa suliranin ng bawat isang tao gaya ng; pagkalululong sa mga nakakalasing na inumin at mga karamdaman na may kinalaman sa pakikipagtalik, at ayon naman sa problemang panlipunan; ang malubhang kalagayan ng mga nakakatanda; ang pang-aabuso sa mga bata at kababaihan, at ang malawakang suliraning pandaigdig katulad ng marahas na digmaasekswalidad ng tao, ang karahasan, at iba pa.)
bago sa tao, ang tunay na pamayanang Islamiko ay nagaalis ng mga pinagmumulan ng mga tuksong ito, at kapag ang pangangailangan para sa pagbabago ay lumalabas, ang pagpaparusa ay masidhi at naisasakatuparan. Sa halos lahat ng maka - bagong pamayanan, ang krimen ay nagtatagumpay sapagkat magkasalungat na pagdinig ay sumusunod. Ang lahat ng uri ng tukso ay pangkaraniwan.Kung patungkol sa pagtutuwid, ito ay isinasagawa ng marahan at hindi taos sa puso.
Madalas ito ay nagpapakita ng may kinakampihan at pinapanigan at higit na pag-iingat sa karapatan ng kriminal kaysa sa biktima Ang katuruang Islam, mula sa magkaibang pangkaraniwang uri ng pagsamba katulad ng Salah (ang limang beses na pagdarasal sa loob ng isang araw), ang pag-aayuno, ang kawang-gawa, ang layunin na nagpapaunlad ng pang-loob na kapayapaan at siguridad, ang katungkulan para sa iba at ang labis na pagbibigay galang.
At sa karagdagan sa kanilang espiritwal at pag-uugaling pagganap sila ay gumagawa upang mapigilan ang makagawa ng lahat ng masamang paguugali. Sa isang palabas na pilikula ng Christian Science Monitor patungkol sa Islam sa Amerika, ang malaking bahagi ay iniaaalay sa pagpapaliwanag ng buhay ng mga bilango na nasa bilangguang mahigpit na binabantayan(maximum security prison), bago at pagkatapos na sila ay maging mga Muslim.
Bago sila yumakap sa Islam, marami sa kanila ay mga mamamatay tao, mga nagpupuslit at nagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot at mga gumagamit ng mga ipinagbabawal na gamot, at mga bihasang mga krimenal. Ng kanilang yakapin ang Islam habang sila ay nasa bilangguan, sila ay naging kilala, ligtas at mapaglingkod na mamamayan. Ang talaan ng pag-aaral sa kanluran ay nagpakita na sa karamihan ng bilangguang mahigpit na binabantayan, ang mga kriminal ay nasasangkot sa mga gawaing krimen at nauuwi sa pagbalik sa kulungan.
At ayon sa kagawaran ng katarungan(Bureau of Justice) ang halos lahat ng mga bilanggo na pinalaya noong 1994(ang naisagawang kamakailan lamang na pag-aaral ng kagawaran ng katarungan), 67.5 pursento ay naaresto sa loob lamang ng tatlong taon.99 at sa katunayan, sa bagong artikulo na may pinamagatang “Ginagamit ba ng Diyos ang bilangguan upang mabago ang mga kriminal” binibigyan ng diin ng may akda na “ ang problema na namana sa sistemang ito
ay nananatili pa rin at walang pagbabago ng maraming taon:
(ang paulit-ulit na pagbalik sa mga gawaing krimen), ang labis na pagsisiksikan, ang halaga at ang labis na pagpapahayag- sa kabila ng malaking halaga ng pondoang kumpletong kawalan ng kakayahan na mabawasan ang krimen. Ang gayung paghahanap ng inpormasyon ay nababaligtad kapag ang mga bilanggo ay naging Muslim, ayon sa Christian Science Monitor. Ang pagtatagumpay ng Islam sa pagbibigay ng pinaka-mainam na katugunan sa mga krimen sa kalagitnaan ng pamayanan ng Amerika na ang lahat ng uri ng palatuntunan ng pagtutuwid ay nabigo ay isang matibay na katibayang mapanghahawakan para sa pangkalahatan ng Islam at sa masusing pangangailangan para sa pagtanggap sa mga katuruan nito.
3. Ang pang-aabuso sa kabataan at kababaihan
Iniisip ng mga tao na ang pamilya ay isang samahan na kung saan ang pagmamahalan at ang damdamin ay umiiral. Isang sangay na kung saan ang mga humahawak ng kabahagi ay nagpapalitan ng mga pagsuporta at pangangalaga, sa katotohanan, ang pamilya sa pinaka bagong pamayanan ng daigdig ay nagiging kumpleto na kabaligtaran sa kung ano ang kahihinatnan nito.
Ang suliranin ay higit na malawak sa karamihan ng makabagong pamayanan sa boung mundo.101 at ayon sa tamang talaan pag-aaral ng krimen, 20 pursento ng krimen na nagaganap sa tahanan ay nangyayari sa loob ng pamilya.Ayon sa talaan ng pamahalaang Russia, noong taong 1993 lamang, “14,500 na kababaihan ng Russia ay pinatay ng kanilang mga asawa. Ang iba naman ay may kapansanan o labis na nasaktan. “ Ang lumalaking bilang ng karahasan sa loob ng tahanan laban sa mga kababaihan sa England at Amerika ay lubhang nakakabahala.”
Ayon sa Home Office Research, 18 pursento ng krimen na naganap sa tahanan sa England at Wales ay ang pagpatay sa asawang babae ng kanilang mga asawang lalaki, sa ika-apat na bahagi ng talaan ng karahasan sa krimen ay isinisisi sa karahasan sa loob ng pamamahay.”At sapagkat ang mga bata ang pinakamahinang kasapi ng pamilya , sila ang higit na napagtutuunan ng pang-aabuso, at ating nauunawaan na ang pang-aabuso sa murang edad na mga kabataan ang sumasaklaw sa lahat ng ipinapakitang pag-uugali at ikinikilos ng magulang na kung saan ang kanilang gawain ay nagbubunga ng pananakit sa kanilang mga anak sa lahat ng antas ng kanilang edad. Ang uri ng pang-aabuso, gayun pa man, ay nagkakaiba ayon sa edad, ang mga sanggol at ang mga hindi pa nagaaral na mga bata ay mas madalas na nagdurusa sa mga pinsalang natamo sa kanilang mga katawan gaya ng mga pinsala sa kanilang mga murang buto, pagkapaso, at pasa. Ito ay kilala sa tinatawag na sakit ng mga bata na natatamo dahilan sa pang-aabuso, ito ay matibay na napag-alaman noong 1960.
Ayon sa kasaysayan, ay may naiulat na mga usaping panghukuman ng pang-aabusong kasarian, na tinatayang mula sa pagpapakita ng masamang hangarin hanggang sa pagtatalik, pangunahing kinasasangkutan ng mga kalalakihan, ang mga mag-aaral o ang mga biktimang kababaihan na nasa edad ng pagdadalaga. Sa kasalukuyan, gayun pa man, ang lumalaking bilang ng mga hindi nag-aaral at mga kalalakihang biktima ay nagawang matukoy.104 at tinatayang bilang na naiulat na mga usaping panghukuman ng pang-aabuso sa mga bata ay nadagdagan sa antas na 3 pursento bawat taon. Sa pagitan ng taong 1973 at taong 1982 ay mayroong 1.5 million usaping panghukuman na naitala na pang-aabuso sa mga bata; 50,000 ay nagdulot ng kamatayan at 300,000 panghabang buhay na kapansanan.105 ang mga pangaabuso ay ipinagbabawal sa Amerika, at sa Britanya, sa pagbibigay ng halimba, ang pangkalahatang samahan sa pagpipigil ng kalupitan sa kabataan ay nag-ulat na ang pang-aabuso ay nadagdagan ng mahigit 70 pursento sa pagitan ng taong 1979 at taong 1984.106 at ayon sa ulat ng The Guardian
Sa Amerika, ang bilang ng mga krimen laban sa mga kababaihan ay labis na tumataas. Ayon sa pinakahuling pag-aaral, tinatayang 3-4 milyon kababaihan bawat taon ay pinagmamalupitan ng kanilang mga asawa o ng mga kalalakihang kanilang kinakasama. Ang ikatlong bahagi ng mga kababaihan ay biktima ng pagpatay ng kanilang mga asawa o ng kanilang mga kinakasamang mga lalake.”
4. Panghahalay at ang pang-aabusong pangkasarian
Ang isang malawakang pag-uulat hinggil sa usaping may kinalaman sa krimen sa The Epsilon noong buwan ng Augusto taong 1991 ay nagpakita ng antas ng krimen hinggil sa panghahalay na naganap sa kanlurang bahagi ng mundo. Inilalahad sa pag-uulat na sa isang bansang kagaya ng Greece na ang papulasyon ay hindi lumalampas ng 8 milyon, mahigit sa bilang na 10,000 ang naiulat ng pangyayari na may kinalaman sa panghahalay na naganap sa pagitan ng taong 1978-1987.
Sa taong 1982 lamang, mahigit sa bilang na 4,000 na pangyayaring panghahalay na naganap sa Italy lamang. Mahigit na 55,000 krimen ng panghahalay ang naganap sa France sa taong 1980. At para naman sa Amerika, ay may 102,000 na naiulat na panghahalay.
Kamakailan lamang ang FBI ay nag-ulat ng karagdagang 70 pursento ng krimen ng sapilitang panghahalay at ng pagtatangkang panghahalay mula sa taong 1970 hanggang 1997. Noong taong 1970, mayroon lamang 37,990 na naiulat na pangyayari ng panghahalay sa pagkukumpara sa 109,060 pangyayari noong 1992 lamang.
At ito ay para sa krimen ng panghahalay, ang pangaabusong kasarian laban sa mga kababaihang naghahanap-buhay ay itinuturing din na tumataas. Ayon sa Equal Opportunity Commission, ang bilang ng mga reklamo ng mga kababaihang manggagawa hinggil sa pang-aabusong kasarian ay dumarami. Noong taong 1989 mayroong 5,603 na reklamo ng pang-aabusong kasarian ang naitala sa pagkukumpara sa bilang na12,537 noong taong 1993.
Ang Equal Opportunity Commision nagpahayag na ang naiulat na reklamong pang-aabusong may kaugnayan sa kasarian(sexual abuse) ng mga kababaihang manggagawa ay may bilang na10,578 na usaping panghukuman na naganap noong taong 1992. Noong taong 1993, ang bilang ay nadagdagan sa 12,537 na mga kaso. ang suliranin ay hindi lamang ipinagbabawal sa Amerika, ngunit ito ay isang pandaigdigan, higit sa lahat sa mga pamayanan na hindi nagbibigay ng pagbabawal sa ralasyon ng kalalakihan at kababaihan.At ayon sa huling ulat ng pandaigdigang samahan ng manggagawa,(ILO) na may pinamagatang” Ang Pakikipaglaban sa Karahasan na may kinalaman sa kasarian sa oras ng pagtatrabaho’,
noong November taong 1992, karamihan sa libong kababaihan ay naging biktima ng pang-aabusong sekswal sa lugar ng kanilang trabaho sa isang pangkalakalang mundo bawat taon. Sa pagitan ng 15-20 pursento ng kababaihan ay nakapanayam sa ginawang pag-aaral ng pandaigdigang samahan ng manggagawa(ILO) sa pagsasabing sila ang madalas na nasasangkot sa Kabouang bilang ng pang-aabusong sekswal. Sa lahat ng kababaihan na nakunan ng panayam sa bansang Amerika, 42 pursento na kababaihan ang naiulat ng gayung uri ng karahasang sekswal. Kabilang sa pag-uulat ang mga bansang katulad ng Australia, Austria, Denmark, France, Germany, Japan, at ang United Kingdom na kung saan ang kagawaran ng pananaliksik sa Paggawa ay naglunsad ng panayam noong taong 1987 na kung saan 75 pursento ng kababaihan ay tumugon sa mga ipinamahaging katanungan na nag-uulat na sila ay dumaan sa ilang uri ng karahasan na may kaugnayan sa kasarian (sexual harassment) sa lugar ng kanilang mga trabaho.
Ang babasahing Epsilon ay nagpatuloy sa pag-uulat ng mga pananaw ng nangungunang Psychoogists, Sociologist, at manggamot sa tumataas na pangyayari ng mga krimen ng panghahalay. Ang mga dalubhasang ito sa larangan ng agham ay nagpatunay na ang ganitong pangyayari ay hindi nagaganap sa mundo ng mga hayop at ito ay hindi rin kabahagi ng kanilang mga pag-uugali. At gayun din, kanilang ibinabatay ang paglitaw ng gayung uri ng mapanirang suliranin sa kanluran at magkatulad na kanlurang pamayanan. Na kung saan ang gayung uri ng nakaugalian at asal ay pinatitibay sa pamamagitan ng maraming aspeto ang ilan ay ang:
- Ang Media: ito ay isa sa mga pangunahing aspeto upang mailabas ang damdamin ng panghahalay. Ang mga palatuntunan sa telebisyon at ang mga pelikula ay nagpapakita ng maraming karahasan, na kung saan kabilang ang krimen ng panghahalay. Ang karamihan sa mga pelikula ay umiikot sa mga tagpong may kaugnayan sa kasarian(sexual) at marahas na mga pangyayari, hindi lamang ang mga mahahalay na pelikula. Ang gayung uri ng pagpapakilala ay nagsisilbing halimbawa at lakas na nagtutulak sa mga kabataan upang tularan ang gayung uri ng mga gawain.
- Ang pagkalasing sa mga inuming alak ay naiulat rin.
- na isa pang kadahilanan, sa likod ng 37.6 pursento na naiulat na mga panghahalay Ang mga aspetong pangkabuhayan ay isa rin na nasa likod sa antas ng bilang ng panghahalay at sa ilang katulad na kriminalidad.
- Ang mga makabagong paglikha ng mga pananamit ng pandaigdigang kabahayan na nagpapakita sa mga naggagandahang mga bahagi ng katawan ng mga kababaihan ay nagbubunga ng di mabilang na krimen ng panghahalay na ang biktima ay ang mga kababaihang ito na kung saan ay ginagawa ang lubusang pagpapakita ng kanilang mga pribadong bahagi ng katawan para sa kapakanan ng pagsangayon ng publiko sa kung ano ang kanilang ipinakikilala at isang pamamaraan upang makuha ang pansin ng mga tao. Ang higit sa karamihan ng bilang ng mga nanghahalay ay nagsabi na ang karamihan sa kanilang mga biktima ay kagaya nito. Karamihan sa mga kababaihang nakaranas ng panghahalay ay nagpahayag na nangyari ang panghahalay sa kanila habang sila ay nakasuot ng pananamit na malinaw na nakikita ang bahagi ng kanilang katawan at nakasuot ng mga magagandang kasuotan.
- Ang aspetong pang-edukasyon na nagpapakita ng magkahalong edukasyon na kung saan ang parehong kasarian(babae at lalaki) ay natututunan kung papaano mabuo ang malapit na pakikipaguganayan o nagbubunga ng pagmamahalan ng magka-ibang kasarian. Ang magkaroon ng kaalaman sa pakikipagtagpo(dating) ay isa lamang sa mga halimbawa. at sa kabilang dako, ang isang kilalang palatuntunan sa radyo(gaya ng kay Dr. Ruth na kilalang palatuntunan sa bansang Canada at sa bansang Amerika) na nakalaan lamang ang kanyang palatuntunan sa pagbibigay ng payo sa publiko(mga taong sumusubaybay ng palatuntunan) kung papaano makakamit ang pakikipag-ugnayang may kinalaman sa kasarian (sexual).
- Ang pagbagsak ng pamilya ang nagtulak sa mga may murang kaisipan na sa kanilang murang edad ay maghanap ng pagmamahal sa labas ng kanilang tahanan. At sa halos maraming pagkakataon ito ay pinagmumulan ng isang malubhang di inaasahang mga pangyayari. Isang daang libong mga bata sa kanlurang bahagi ng mundo ay walang kinikilalang mga ama.
- Ang pag-aalis ng katungkulan ng relihiyon mula sa lantad na pamumuhay ng tao ay nagdulot ng sekswal na pakikipag-ugnayan .
- At karamihan ng pamayanan sa kanluran ay nabuo sa pamantayan ng kaugaliang kristiyano, ang ilan sa mga maling pananaw ng relihyon hinggil sa mga kababihan bilang isang masamang pansariling katangian (personality) ang maaaring pagmulan ng gayung pangyayari na naglalagay sa katayuan ng mga kababaihan na karapat-dapat na maging kasangkapan ng panghahalay.
Ang ibang dahilan na ibinigay ng mga dalubhasa sa larangan ng agham na ang batas sa karamihan ng kanlurang mga bansa ay hindi pinagtutuunan ng higit na pansin ang mga usaping panghukuman na may kinalaman sa panghahalay. Ang gumagawa ng mga panghahalay ay hindi nabibigyan ng mabigat na kaparusahan, madalas ay nabibigyan lamang sila ng magaang kaparusahan ng pagkabilanggo na hindilalampas ng dalawang taon na pagkakakulong, ito lamang kanilang ibinibigay bilang pinaka mataas na paghatol.
Sa pamayanan ng Hindu, sa kabilang dako, ang buhay ng mga kababaihan na kung saan ang buhay ng kanilang mga asawa ay nasira at dumating sa pangyayari na ito ay maging sanhi ng pagkitil ng kanilang sariling mga buhay sa pamamagitan ng isang uri ng pagpapakamatay ng tinatawag na Sutte. Si Gustave le Bon ay nagsulat patungkol sa aspetong ito ng lipunan ng Hindu sa pagsasabing:
Ang mga sakripisyo ng mga kababaihang namatayan ng kanilang asawa sa libing ng kanilang mga asawa ay hindi nabanggit sa Shastra, ngunit lumalabas na ang pagsasagawa nito ay naging pangkaraniwan na sa bansang India, na kung saan ay ating matutunghayan ang pinagmulan nito na mula sa kasaysayan ng Greek.
Ang hindi pagbibigay ng pansin sa mga kababaihan ay nakita rin sa mga pag-uulat ng media sa India, na kung saan ay iniulat ang malaking bilang ng mga kabataang babae na inilibing ng buhay sapagkat ipinapalagay na ang kababaihan ay isang pasaning pang-ekonomiya ng kanilang mga magulang.
Ang babasahing The Times ay nag-ulat ng patakaran ng pagkakaroon lamang ng isang anak sa bansang China at ang panahon na ito ang nagtulak sa mga chino na maghangad ng anak na lalaki at hindi buhayin ang anak na babae sa sinapupunan ng ina o patayin ang kanilang mga sanggol na anak na babae o ipagbili ang kanilang mga nakakatandang anak na babae sa dumarayong nangangalakal ng mga alipin. Sa bagay na ito, kamakailan lamang ang mga tagapag-patupad ng batas sa bansang China ay nakaaresto ng 49 na kasapi ng isang samahan na ang ikinabubuhay ay mamili, magpasok at magbenta ng mga batang babae sa kabouan ng bansang China.
At ang naging bunga ng marahas na pakikitungo sa mga anak, Ang komite ng china para sa pagpaplano ng estado ay nag-ulat na ang bilang ng mga lalaki ay 36 milyon higit pa kaysa sa bilang ng mga famales.
Ang uri ng pakikitungo sa mga kababaihan at kabataan ng kasalukuyang makamundo na pamayanan- maging ito man ay sa mga Bansang Amerika, Europa, Russia, Ang britanya, India o maging China- ay kahalintulad noong nagaganap sa pamayanang bago naipamahagi ang Islam([Jahiliyah] panahon ng kamangmangan). Ang Islam ay dumating upang wakasan ang pang-aabuso sa mga kababaihan at mga bata at ibalik ang mataas na karangalan sa mga kababaihan, nakakabata at sa mga nakakatanda at kauri nito.
Sa kadahilanan ng panlipunang suliranin na nangyayari sa maraming lugar sa kanlurang pamayanan, hindi lamang itinutukoy ang pang-aabuso sa mga mahihinang kasapi ng pamayanan na gaya ng binabanggit sa itaas bagkus ito ay tumutukoy maging sa mga nangunguna sa pagbibigay ng edukasyon at pagdidisiplina. Ayon sa ulat ng Camegie Foundation, ang pursento o bahagi ng mga guro sa bansang Amerika na nagsasabi na sila ay nakaranas ng pang-aabuso ng pananalita ay 51 pursento. At para naman sa mga nakaranas ng pananakit na nagdulot ng pinsala sa kanilang katawan ay 16 pursento ngunit ang iba naman na nakaranas ng pisikal na karahasan ay 7 pursento.
Malayo mula sa kung ano ang pinapaniwalaan ng batas bilang panghahalay o karahasan na may kinalaman sa kasarian (sexual harassment)sa kanlurang pamayanan, mayroong pangamba sa pagkasira ng moral. Sa bansang Amerika., tatlo sa bawat apat na babaeng hindi kasal na kabilang sa mga lahing puti na Amerikana ay nagkaroon ng karelasyon sa edad na 19. Ang pagsasalarawan ay mayroong 6 pursento noong taong 1900. Isa sa bawat apat na bata ay ipinapanganak na labas sa sagrado ng kasal, hindi kabilang ang milyong-milyon sanggol na pinapatay sa pamamagitan ng pamamaraan na pagpapalagalag. Ang bansang Europa ay may higit na kahalintulad ng bansnag Amerika.
Sa Canada, ang bilang ng mga ipinanganak na labas sa sakramento ng kasal ay tumaas ng 4 na pursentonoong 1960 hanggang 31 pursento noong 2000, mula 5 pursento hanggang 38 pursento sa U.K. mula 6 pursento hanngang 36 sa pransya.
At kahit na sa karamihan ng halimbawa na nakita na nagmula sa kanlurang bansa, batid ng ibang pamayanan na hindi kabilang sa kanlurang bansa ang gayung uri ng sakit at suliranin ng lipunan. Maraming kumunidad sa boung mundo ay pilit na ginagaya ang pamamaraan ng pamumuhay ng kanlurang pamayanan na naghahangad ng pagbabago at pagsulong ng lipunan; at sa halip kanilang nakamit ang sakit at ang mga pagkakamali. Hindi nila kayang makamtan ang teknolohiya at ang pag-unlad na materyal.
Ang Islamikong Katugunan
Walang pag-aalinlangan na mayroong isang matibay na kaugnayan sa pagitan ng hindi magandang pakikitungo sa mga kababaihan sa boung mundo at sa pag-uugali na tinataglay ng mga kulturang ito para sa mga kababaihan. Ang mga kababaihan sa Islam ay hindi tinitignan bilang pinagmumulan ng kasamaan o kasangkapan upang matugunan ang pangangailangang sexual at abusuhin ng mga kalalakihan, gaya ng usapin ng ibang kultura. Itinuturing ng Islam na ang mga kababaihan na isang napakahalagang kasapi ng pamilya at ng kumunidad. Sila ang pinagmumulan ng kapayapaan at katiwasayan.
“ At kabilang din sa palatandaan ng Allah sa Kanyang kadakilaan at ganap na kakayahan ay ang paglikha Niya para sa inyo mula sa inyong sarili, O kayong mga kalalakihan ng inyong mga asawa; upang mapanatag ang inyong mga kalooban at magkaroon kayo ng pamamahingahan, at ginawa Niya sa pagitan ng babae at kanyang asawa ang pagmamahal at pagkaawa. Katiyakan, sa paglikha ng Allah nito ay mga palatandaan na nagpapatunay sa Kanyang kakayahan at Kanyang Kaisahan sa pagsamba, para sa mga tao na nag-iisip at nagsusuri. (Quran 30:21)
Lubos na pinapapurihan ng Islam ang pag-aalaga sa mga kababaihan, ito man ay nasa katandaan at kabataan. Ito ay sumasang-ayon sa parehas na pakikitungo ng mga kababaihan na lahat ng kasapi ng pamayanan, at kahit na sila ay mga anak na babae, asawa, ina o mga kapatid na babae.
Iniulat ni Abu Hurairah (RAA) na sinabi ni Propeta Muhammed (saw): hayaan mo siyang maging talunan, hayaan mo siyang mgaing talunan, hayaan mo siyang maging talunan.ang isa ay nagwika, sino siya, o Mensahero ng Allah? Kanyang sinabi, siya na ang magulang o ang isa sa kanila ay umaabot sa katandaan na kasama niya at hindi makakapasok sa paraiso.
Si Jabir (RAA) ay nagsabi, narinig ko ang Mensahero ng Allah na nagsabi: ang sinuman salat sa kabaitan ay salat sa kabutihan.
Iniulat ni Anas bin Malik (RAA) na winika ng Mensahero ng Allah: sinuman ang paglaki ng dalawang babae, siya at ako ay darating na magkatabi sa araw ng paghuhukom…..
Sa pagtalakay ng pinakamataas na Islamikong moral, hindi ko nais na angkinin na ang lahat ng mga kumunidad ng Muslim na namumuhay sa mga katuruang ito at pag-uugali. Maraming pangyayari ng maling pagsasagawa at maling pakikitungo sa ilang mga kababaihan mula sa mga Muslim ay lumalabas sapagkat sa napaka karaniwang kadahilanan na kung saan ay hindi sumasang-ayon sa makatutuhanang katuruan ng Islam.
Ang suliranin ng katandaan124 sa kanluran ay hindi nangyayari sa isang tunay na pamayanan na Muslim na ipinamumuhay ang katuruan ng Islam. Ang lahat ng kasapi ng pamilya sa Islam ay gumagawa sa pinaka-mainam na paraan noon pa man bilang isang ligtas na kanlungan para sa mga kasapi nito, sa kabila ng kanilang mga kasarian o edad. Winika ni Propeta Muhammed (saw):
Sinabi ni Abu Hurairah(RAA) na winika ni Propeta Muhammed: ang sinuman ang kumalinga sa mga balo o mga nangangailan ngang tao ay katulad ng tao na nakikipaglaban para sa kapakanan ni Allah….Iniulat ni Anas Ibn Malik(RAA)na narinig niya si Propeta Muhammed na nagsasabi: siya na nagnanais na ang kanyang pangangailangan ay mapalawak at ang kanyang buhay ay tumagal, huwag niyang sirain ang pakikiisa niya sa kanyang kamag-anak.
Ang malayang pagsasama-sama ng mga kababaihan at kalalakihan ayon sa talaan na nalikom ng The Epsilon ay isang pangunahing kadahilanan ng pagtaas ng antas ng pangyayari ng panghahalay at mga kababaihang nakaranas ng mga pisikal na pananakit. Sa katotohanan na kung saan ay hindi ipinahihintulot ng Islam ang kalayaan ng pagsasama-sama ng mga kalalakihan at kababaihan; ay nakakatulong upang maiwasan ang krimen ng panghahalay sa isang pamayanang Muslim. Ang batas ng pagpapakumbaba ay ipinatutupad sa mga kalalakihan at mga kababaihan. Ang pagtingin na may masamang hangaring mahalay ng kalalakihan sa mga kababaihan( o maging sa lalaki) ay isang paglabag sa kagandahang-asal. Kung saan ang kasarian ang pinag-uusapan, ang pagpapakumbaba ang pinakamainam-hindi lamang nito nababantayan ang mahinang kasarian, bagkus ay nagagawa rin nitong bantayan ang kabutihang ispiritwal ng malakas na kasarian.
Sabihin mo, O Muhammad, sa mga mananampalatayang kalalakihan na ibaba nila ang kanilang mga paningin mula sa anumang hindi ipinahintulot sa kanila na makita na mga kababaihan at mga pribadong bahagi, at pangalagaan nila ang kanilang pribadong bahagi mula sa anumang ipinagbabawal ng Allah na katulad ng pakikiapid at ‘sodomy,’ at paglantad ng mga maseselang bagay at anuman na katulad nito, at ito ang mas nakalilinis sa kanilang katauhan. Katiyakan, ang Allâh ang Ganap na Nakababatid sa anumang kanilang ginagawa sa mga ipinag-uutos ng Allah o sa kanilang pag-iwas sa anumang ipinagbabawal ng Allâh.
At sabihin mo rin sa mga mananampalatayang kababaihan na ibaba nila ang kanilang mga paningin sa anumang hindi ipinahintulot sa kanila na mga pribadong bahagi ng katawan, at pangalagaan nila ang kanilang mga pribadong bahagi mula sa anumang mga ipinagbawal ng Allâh, at huwag nilang ilantad ang kanilang kagandahan sa mga kalalakihan kundi pagsumikapan nila na ito ay maitago maliban sa mga nakalantad na pananamit na nakasanayan na ito ay nakalantad na kasuotan, kung ito ay hindi nagdudulot ng anumang ‘fitnah’ (o panghahalina na makagawa ng kasamaan), at ibababa nila ang panakip ng kanilang ulo hanggang sa matakpan ang kanilang mga dibdib na natatakpan nito ang kanilang mga mukha; upang mabuo ang kanilang panakip, at huwag nilang ilantad ang anumang kagandahan na nakatago maliban lamang sa kanilang mga asawa na mga kalalakihan; dahil maaari nilang makita mula sa kanila na mga asawa ang hindi maaaring makita ng iba.
At kabilang dito ay ang mukha, leeg, dalawang kamay, dalawang braso; at ang mga ito ay ipinahintulot na makita rin ng kanilang mga ama o di kaya ay ama ng kanilang mga asawa o di kaya ay kanilang anak na mga kalalakihan, o di kaya ay anak na mga kalalakihan ng kanilang mga asawa, o di kaya ay kanilang mga kapatid na mga kalalakihan, o di kaya ay mga anak na lalaki ng kanilang mga kapatid na kalalakihan, o di kaya ay mga anak na kalalakihan ng kanilang mga kapatid na mga kababaihan, o di kaya ay kanilang mga alipin na kababaihan, o di kaya ay mga kapatid na kababaihan sa pananampalataya, o di kaya ay ang anumang pagmamayari nila na mga alipin na mga kalalakihan, o di kaya ay mga matatanda na kalalakihan na wala nang pagnanasa sa mga kababaihan na katulad ng ulyanin na sunud-sunuran na lamang sa iba para makakain o makainom, o di kaya ay mga bata na kalalakihan na wala silang kamuwangmuwang sa mga pribadong bahagi ng mga kababaihan, at wala pa silang pagnanasa.
- At huwag itapak nang malakas ng mga kababaihan ang kanilang mga paa habang sila ay naglalakad upang marinig ang anumang palamuti sa paa na tulad ng singkil (nakasabit na mga palamuti sa paa) at iba pa, at magbalik kayo, O kayong mga naniniwala tungo sa pagsunod sa Allâh sa anuman na Kanyang ipinag-uutos mula sa mga ganitong magagandang pag-uugali at mabubuting asal, at iwasan na ninyo ang anumang paguugali ng kamangmangan na mga masasamang paguugali; upang kayo ay magtagumpay ng kabutihan dito sa daigdig at gayundin sa Kabilang-Buhay.( Quran 24:30-31)
- Ang New York Times ay naglathala, noong Mayo 1993, isang ulat na may pinamagatang Separation is Better. ang ulat ay isinulat ni Susan Ostrich, na kung saan siya sa kanyang sarili ay nakapagtapos sa ilang kolehiyong paaralan para sa mga mag-aaral na kababaihan lamang sa bansang Amerika. Ito ay isang di-pangkaraniwang pangyayari sa karamihan ng mga mamayan sa Amerika na ang isang babae sa isang kolehiyong paaralang pangkababaihan ay nagkamit ng mas mainam na kaalamang akademiya kaysa sa kanilang mga kauri sa paaralang kolehiyo na magkahalo ang kababaihan at kalalakihan. Kanyang pinagtibay ang kanyang pag-angkin sa mga sumusunod na nalikom na pag-aaral:
- Ang 80 pursento ng kababaihan sa paaralan na para lamang sa mga kababaihan ay nag-aaral ng agham at matimatika sa loob ng apat na taon, sa paghahambing sa dalawang taon ng pag-aaral sa magkahalong paaralang pangkolehiyo.
- Ang mga mag-aaral sa koliheyong paaralan para sa mga kababihan lamang ay nagkakamit ng mataas na GPA kumpara sa mga kababaihan sa magkahalong paaralang pangkolehiyo. Ito ang nagiging dahilan ng mataas na bilang ng mga kababaihang mag-aaral na matanggap sa mga universidad. Sa katotohanan, ang karamihan sa mga PHD’s ay napapagtagumpayan ng mga gayung kababaihang mag-aaral.
Ayon sa Fortune Magazine ang ikatlong bahagi ng kababaihang kasapi ng pinagkakatiwalaang nanunungkulan sa isang libong pinaka-malaking kompanya sa Amerika ay nagtapos lamang mula sa kolehiyong paaralan para sa kababaihan lamang. Upang maunawaan ang kahalagahan ng bilang na ito, kinakailangan nating malaman na ang mga nagtapos mula sa kolehiyong paaralan para sa mga kababaihan lamang ay nakagawa lamang ng 4 pursento sa bilang ng mga kolehiyong magaaral na nagsisipagtapos sa bawat taon.
Apatnapu’t tatlong pursento ng kababaihang profesor na nagtataglay ng PhD’s sa matimatika at 50 pursento ng kababaihang profesor na nagtataglay ng PhD’s sa larangan ng Engineering ay nagtapos mula sa kolehiyong paaralan para sa kababaihan.
Ang karagdagang katibayang ito mula sa kanlurang mundo na kung saan ay nagkakaloob ng pagpapatibay sa pagiging makatotohanan at pagsasagawa ng prinsipyo o adhikain ng Islam bilang isang pangkalahatang panuntunan na gumagabay at nagpapatakbo ng ugaling pantao. Ang pulitiko at taga pag-ulat na indian, na si Kofhi Laljapa ay nagbigay ng kanyang katapusang pahayag: Walang ibang relihiyon kundi Islam lamang ang may kakayanan na mabigyan ng katugunan ang mga suliranin ng makabagong pamumuhay. Ang Islam ay walang pagaalinlangan na natatangi para dyan…
Ang paghihiwalay sa pagitan ng kababaihan at kalalakihan ay kinikilala ng The Pentagon bilang isang katugunan sa maraming suliranin kabilang na ang karahasang may kaugnayan sa kasarian(sexual harassment), na hindi nagbigay ng anumang pagkilala sa Islam na bilang isang sistema ng pamumuhay na nagpapalaganap ng ganitong uri ng nakaugalian upang mapanatili ang moralidad at kapayapaang panlipunan at pangsiguridad. Sa kabilang banda, Si prinsipe Charles ay nagbigay ng pagkilala sa napakalaking maibabahagi ng Islam na mapagkalooban ang kanluran upang kanilang mapagtagumpayan ang malubhang suliraning moral at panlipunan, sa kanyang pagbibigay ng ilang mga pananalita patungkol sa Islam at sa kanluran.
Si William Cohen, ang sekretaryo ng hukbong sandataan na Bansang Amerika ay naglunsad ng isang epektibo at kumpletong hakbang upang mapanatili ang pinag-iingatang moral ng mga kalalakihan at kababaihang sundalo. Binibigyan ng diin ng paghahanda ang paglalagay ng permanenteng bagay na maghihiwalay sa kalalakihan at kababaihanng sundalo sa kanilang kasalukuyang magkasamang kinalalagyan. Ito ay itinuturing na isang pansamantalang pamamaraan hangga’t ang isang bagong tuluyan ay hindi pa naitatayo para sa mga kababihang sundalo. Ang sandatahang lakas na pandagat(Navy) ay naglunsad din ng ilang mga mahihigpit na patakaran na nagbabawal sa mga kababaihan at kalalakihang kasapi ng sandatahang pangdagat(Navy) na magsama sa mga saradong silid. Ang patakarang ito ay ipinakikilala bilang isang alituntunin na kung saan ay kinakailangang sundin at igalang ng lahat ng mga sundalo lalo na kung nakasakay sa sasakyang pandagat ng Navy.
Binigyan ng paglilinaw ng sekretaryo ng hukbong sandatahan ang hangarin sa likod ng mga pagkilos na isinagawa hinggil sa paghihiwalay ng mga kababaihan at kalalakihan ay upang magbigay ng isang makabuluhang antas ng pribadong pamumuhay at siguridad para sa mga kasapi ng ibat-ibang bahagi ng tanggulan. Ang ilan sa mga bagong patakarang ito, ay ang pagbabawal ang pagtulog habang nakausuot lamang ng pang-ilalim na kausotan o matulog ng walang anumang kasuotan at kinakailangan ang mga pintuan ay mahigpit na nakasara at hindi magagawang buksan ng ibang tao sa oras ng pagtulog. Ipinagbabawal din sa kanila ang manuod ng mahahalay na panuorin kung may kasama silang mga kababaihang sundalo, at malinaw ding ipinatutupad sa detalyadong pamamaraan ang uri ng pananamit na nararapat nilang isuot kapag naliligo at nagpapainit sa sikat ng araw.
Ang katanungang lumalabas dito ay ito: bakit ang gayung uri ng mga patakaran na kung saan ay tinitignan ng nakakarami na mahirap abutin at labag sa pagbabago ay ipinatutupad ng halos karamihan ng makabagong bansa sa mundo? Ang kasagutan ay napaka dali: ang karahasang may kinalaman sa kasarian(sexual harassment) ay umabot na sa hindi kapanipaniwalang antas ng pangamba at ito ay naging banta sa pangkalahatang siguridad at moralidad. Libo-libong reklamo ng pang-aabusong kinasasangkutan ng kasarian ang naganap sa mga kababaihang manggagawa ang naging dahilan na makita ang bunga nito.
Ang mga alituntunin ng Islam ang tanging makapagbibigay ng katugunan sa mga suliraning kinahaharap hinggil sa paglaganap ng mga inuming nakakalasing, ang pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot, ang pang-aabuso sa mga kababaihan at mga bata,na kung saan ay ang sumisira sa pangkasalukuyang daigdig. Kapag ang impluwensya ng kanluran ay nakialam sa pamayanan ng Muslim, ang krimen ay lalaganap, ngunit kapag ang kabaligtaran ang nangyari- kapag ang paguugaling islamiko ang kanilang ipinamuhay sa kanlurang pamayanan—ang krimen ay mababawasan.
Noong 1992, ay mayroong 847,271 bilanggo sa bansang Amerika.., ang karagdagang 7 pursento magmula noong 1991 at lumago ng 168 pursentong dagdag mula noong 1980. At kasabay nito ang mararahas na krimen ay umangat ng 27 pursento..
Ang Gallup Poll, ay nagpakita na 80 pursento ng mga Amerikano ay sang-ayon sa parusang kamatayan para sa mga napatunayang nagkasala.132 Ang parusang kamatayan ay pinahintulutan sa 38 estado ng Amerika. Sa karagdagan, ilan sa 60 krimen na naganap ay maaaring mabigyan ng pangkalahatang parusang kamatayan. Mahigit 3,000 bilanggo sa Amerika ay nahaharap sa hanay ng parusang kamatayan.
ang parusang kamatayan ay ipinahintong pansamantala sa Amerika mula noong 1967 hanggang 1977, ngunit pagkaraan ito ay ibinalik. Hindi ba maaaring tanggapin nimuman na ang pag-asang moral ng mundo ay nakasalalay sa pagpalaganap ng Islam?
Ang gayung uri ng madamdaming pagbabago sa pag-uugali ng karamihan sa mga Amerikano tungo sa pagbibigay ng parusang kamatayan para sa mga walang awang kriminal ay isang matibay na palatandaan ng kakayahang sumulong tungo sa epektibong katugunan ng mga sakit ng ating mga pamayanan na gaya ng ipinaliliwanag ng Islam.