Pangkalahatan at ang Pag-angat ng Agham
Ang bahaging ito ng aklat ay nag-aalay una sa pag-aaral ng ilang sistema ng buhay na ating inaangkin sa ating daigdig sa pangkasalukuyan.
Sumusunod ang pagsusulit na kinakailangan na ating bigyan ng kasagutan kung anong pinaka magandang sistema na makakapuno sa ating mga pangangailangan sa pagpapaunlad at pagkakaroon ng magandang uri ng pamumuhay.
Ito ay makakatulong din sa atin upang ating matukoy ang mga pumipigil sa sibilisasyon at pagsulong, at gayun din doon sa mga hindi nagbibigay ng pangunahing pagpapahalaga sa pamantayang moral at pag-uugali na nagpapatatag ng haligi ng lipunan, ng kaisipan, at katangian ng pangangatawan ng isang tao.
Para magtagumpay ang pangkalahatang sistema, kailangan nating angkinin ang makakapag-bigay at makakatimbang ng ating mga pangangailangan para sa matiwasay na pamumuhay at maiwasan ang anumang paglabag na maaaring magbunga sa pagkasira at pagkawala ng sangkatauhan.
1.Budismo, Hinduismo at Agham
Kung ating bibigyan ng pagkakataon ang Budismo nangangahulugan ng kumpletong pagbibigay ng panahon sa pagsamba sa idolo at pagbibigay ng panahon na ilayo ang sarili sa pakikisalamuha sa mga tao at paghiwalay mula sa kapaligiran na kanyang kinabibilangan, na kung saan ay napupuno ng walang katarungan.
Ang tao, ayon sa Buddismo, ay kinikilala na pinagmumulan ng kasamaan. Upang siya ay magkamit ng katapatan, kinakailangan na iwanan niya ang mundo at mamuhay ng kumpletong pagkahiwalay. Ang gayun uri ng pilosopiya ay hindi magtatagumpay sa pagbibigay ng kapayapaan ng kaisipan sa mga taga-sunod nito.
Sa Hinduismo at budismo, ang mundo ay itinuturing na masama, at ang kaligtasan ay nauunawaan sa pagtanggi dito, nangangahulugan, bilang kalayaan mula sa mundo, sa karagdagan, ginagawa ng relihiyong ito ang pansariling kaligtasan, ang makasariling pananaw, gayung ito ay binibigyan nila ng kahulugan sa ngalan ng kamalayan na maaari lamang na pansarili. Ang pakikipag-ugnayan sa labas ng kanilang daigdig ay binibigyang pananaw bilang isang kasamaan.
Anumang kaayusang panlipunan ang naitatag ng Hindu sa ngalan ng estado, sa pangunguna ng emperor, isang sibilisasyon o isang kakaibang kumunidad ng tao ito ay isinasagawa mula sa pagkaligaw sa kanilang mga katuruan.
Sa pangkasalukuyan ang sistema ng india ay binabase sa demokrasya, sa kabila ng mga bahagi ng hindu na gumaganap ng pangunahing pagganap sa pulitika ng India.Aking iniisip ang gayung pag-uugali tungo sa buhay ay hindi katanggap-tanggap sa isang mundo na katulad natin na kung saan ang higit na pag-unlad sa larangan ng teknolohiya ay nangyayari at naging pangunahing bahagi ng ating mga buhay.Walang pagaalinlangan, marami sa pag-angat ng mga kalakalan ay nagdudulot ng hindi magagandang resulta sa parehong aspetong panlipunan at sa kalusugan sa ilang kabahagi ng lipunan.
Ang bagong sibilisasyon na walang kinikilalang Diyos, sa ibang pagmamataas, ay nagbibigay sa tao ng kumpletong kalayaan upang ilagay ang kanyang sarili sa lahat ng aspeto ng walang limitasyon o pagpapahalaga maging sa kalikasan man o sa mga tao. Na makikita sa hindi responsableng pagsasagawa sa pagbuo ng pinagmulan at sa pagkasira ng kapaligiran. At pang materyal na hangarin ang nagsisilbing harang sa mga mata ng mga tagapagbuo laban sa nagbabantang suliraning moral, panlipunan at kalusugan na ipinalalagay na hindi inaasahang banta sa sangkatauhan.
Ang materyal na katugunan na hindi karaniwang nagtatagumpay ay palagiang nabibigyan ng paghahanap. Aids, ang cancer, kahirapan, ang kakulangan sa karunungan, ang paninigarilyo, ang ipinagbabawal na gamot, ang alcohol at ang ibang napakaraming sulira panlipunan ay labis na lumalaganap at lumalago. Ang paghahangad sa materyal ay nagiging pangunahing mithiin kapalit ng pag-uugali at moral. Magkagayun pa man, ang pag-iwas sa ibang napakataas na di pagsang-ayon na maging kabahagi ng mga gawaing pandaigdig ay salungat sa tunay na kalikasan ng tao. Ang pangangailangan ay lubhang kinakailangan para sa isang sistema na hindi nagpapasailalim sa isang makipot na makamundong hangarin ng mga walang pag-iingat na makasariling kabahagi ng mababang antas ng lipunan;
kasabay nito ang pagbibigay ng paghahambing sa pagitan pangangailangan ng tao upang mapaunlad ang agham at teknolohiya.
“Katiyakan, ang anumang ipinahintulot ng Allah na mga kasuotan at mga malilinis na pagkain at inumin, ay karapatan nila na mga naniwala sa Allâh dito sa buhay sa daigdig na karapatan din ng iba, subali’t ito ay bukod-tangi na para sa kanila na mga mananampalataya sa Araw ng Muling Pagkabuhay. Ang katulad ng paghahayag na ito ay kapahayagan ng Allah sa Kanyang talata para sa mga tao na nakaaalam kung ano ang ipinapahayag sa kanila at ito ay kanilang nauunawaan.
Ang anumang uri ng pamumuhay na humahadlang sa pagunlad ng tao sa larangan ng agham at teknolohiya na makakapagbigay ng kapakinabangan sa tao ay hindi nararapat na piliin upang maging pamamaraan ng pamumuhay. Ang Islam ay tumatayo sa bagay na ito, sapagkat ito ang tanging relihiyon na bukas ang pintuan para sa pagtunghay sa lahat ng bahagi ng agham. Ang mga muslim ay hindi magtatagumpay sa larangan ng agham at teknolohiya kung ilalayo nila ang kanilang mga sarili sa tunay na katuruan ng Islam. Ang mga kolonialista at ang mga orientalista ay natuklasan ang bagay na ito at kanilang sinubukang ilayo o iligaw ang mga Muslim mula sa tunay na pinagmumulan ng pag-unlad. Karamihan sa mga tagapagtala ng kasaysayan ang nakakaalam nito, ang ilan sa kanila ay si, Philip Hitti, ay nagwika habang nagtutukoy ayon kay Al-Khawarzmi, ang ikinararangal na isang pantas ng mga muslim sa larangan ng Matimatika:
Karamihan sa mga tagapagtala ng kasaysayan ang nakakaalam nito, ang ilan sa kanila ay si, Philip Hitti, ay nagwika habang nagtutukoy ayon kay Al-Khawarzmi, ang ikinararangal na isang pantas ng mga muslim sa larangan ng Matimatika:
Ang isa sa kinikilalang may pinakamataas na kaisipan sa larangan ng agham ng Islam, Al Khawarizmi, ay walang pag-aalinlangan na isang tao na nagsagawa ng malaking bahagi sa kaisipan ng matimatika noong panahon ng Middle ages.
Si M.Charles, isang pantas mula sa pransya, ay tumunghay sa naibahagi ng isa pang muslim na bihasa sa larangan ng matimatika, na si Al-Battani, sa pagsasabing:
Si Al-Battani ang kauna-unahang gumamit sa kanyang mga gawain ng mga katagang “sine at cosine”. At ito ay kanyang ipinakilala sa geometric calculus; ito ay tinawag na“extented shadow” na tinatawag sa makabagong trigonometry na “tangent”.
Binibigyang diin ng mga tagapagtala ng kasaysayan na ang makabagong agham ay nararapat na ipagpasalamat sa mga muslim sa kanilang napakalaking naibahagi sa pagsulong ng karamihan sa agham. Gaya ng ipinahayag ni Fauriel (1846):
Ang pagkikipag-ugnayan ng dalawang sibilisasyon— kristiyano at Muslim – ay nabuo sa pamamagitan ng ordinaryo at hayagang landas. At dito, ang pagkakalakal at ang mga pagbisita ay nagdudulot ng malaking pagganap. Ang mga gabay sa paglalakbay sa kalupaan at maging sa karagatan sa pagitan ng silangan at kanluran ay malinaw na ipinatutupad mula pa noong ika 6 na siglo. Ito ay mula sa Espanya, Sicily at sa hilaga ng Pransya kung saan ay napapailalim sa pangunguna ng Saracen na kung saan ang naging dahilan ng pagpasok ng islamikong sibilisasyon sa Europa.