Pangkalahatan at Pagpapaubaya
Kung mayroong naiibang pagkilala na tinataglay ng ating mundo, ito ay ang pagkakahatihati sa parehong kultura at relihiyon.
Kung mayroong naiibang pagkilala na tinataglay ng ating mundo, ito ay ang pagkakahatihati sa parehong kultura at relihiyon. Magkagayun, anumang sistema o pamamaraan, na nag-aangkin ng pangkalahatan, ay kinakailangang nagtataglay ng bukas palad na pagpapaubaya tungo sa ibang kultura at relihiyon bilang isang napagkakasunduang prinsipyo.
Sa bahagi ng aklat na ito ang liwanag ay matatakapan ng prinsipyo ng pagpapaubaya na naaayon sa katibayan ng kasaysayan na inilarawan mula sa mga pagganap ng ilang mga relihiyon at mga idolohiya sa paghahambing sa Islam. Sa nakaraang kabanata ay naipakita ang natatanging basehan ng hindi pagpapaubaya ng mga hudyo, ako ay magsisimula sa kristiyanismo, na kung saan ang ilang paniniwala ay nakikitaan ng kabutihan at katangian ng isang hentil ng kristo. Ngunit kapag ating isinagawa ang pag-aaral ng kasay-sayan, ang kasagutan ay boung-buo na kabaligtaran ng mga pangyayari.
At kahit na anong paraan ng mga katuruan ng kristiyanismo at judaismo na nagsimula sa kamay ng mapag-paubayang tao, ang mga propeta, marami ang lumabas ngunit hindi naging kabahagi ng kanilang katuruan ngunit naidagdag ng napakahabang panahon.
1.Ang pag-uugali ng mga kristiyanong kawal sa Bayan ng Palistino
At tignan kung ano ang ginawa ng mga kristiyanong kawal sa mga Muslim ng kanilang isinulong ang digmaan laban sa kanila at ng kanilang masakop ang Herusalem, ang labanang ito ay tinatawag na banal na labanan, na kung saan ito ay isinasagawa ng may pahintulot ng Pope at sa ilalim ng pamumuno ng matataas na pinuno ng relihiyong kristiyanismo.
Sa kabila ng katotohanang; ang Herusalem ay napapalibutan ng mahigit na isang buwan, ito ay hinadlangan sa matapang na pamamaraan ang ginawang pagsakop ng mga kristiyanong kawal sa mga naninirahan dito. Na kung saan ang mga kristiyanong kawal sa huli ay nagtagumpay, sila ay nagmadali sa pamamagitan ng pagpatay ng mga tao sa mga lansangan, ang paninira at ang pagsusunog ng anumang bagay na kanilang makita sa kanilang daraanan, hindi nila binigyan ng pagkaka-iba ang mga kalalakihan, kababaihan at ang mga bata. Ang pagpatay ng maramihan ay nagtapos sa loob ng magdamag. Sa araw ng biyernes, ika-labinlimang araw ng hunyo, ang mga kristiyanong kawal ay sumalakay sa pintuan ng mosque ng Al-Aqsaa at pinatay ang lahat ng humihingi ng awa na nasa loob nito. Isinalaysay ni Ibn Al-Atheer ang maramihang pagpatay sa kanyang Aklat Al-Kamil ito ay ang sumusunod:
Ang mga kristiyanong kawal ay pumatay ng mahigit na 70 libong katao. Ang ilan sa sa kanila na pinatay ay mga pantas ng Muslim, ang mga may pinag-aralan, at ang mga kahanga-hangang tao na lumisan sa kanilang lugar upang manirahan malapit sa banal na lugar. Kanilang ninakaw ang mahigit 40 pilak na mga parola mula sa banal na bato, ang bawat isa ay nagkakahalaga ng di kukulang sa 3600 (silver dirhams)Sa kanyang aklat”
The Arab Civilazation, ang tagapagtala ng kasaysayan ng pransya,Gustave le Bon ay inilarawan ang pagpasok ng mga kristiyanong kawal sa Herusalem, na nagsabi:
Ang pag-uugali ng mga kristiyanong kawal, ng sila ay pumasok sa Herusalem ay sadyang kakaiba mula sa mapagparayang pinuno ng muslim na si Omar Bin AlKattaab na ipinakita sa mga kristiyano ng siya ay pumasok sa bayan sa mga nagdaang taon,
Sa kabaligtaran, ang pari ng bayan ng Bolol, na si Raymond Dagile, ay naglarawan sa pangyayari sa kasaysayan sa pagsasabi ng: Ano ang nangyari sa mga Arabo nang ang ating mamamayan[ang mga kristiyano] ay masakop ang sandigan at ang mga matataas na bantayug ng Herusalem ay isang palaisipan;
ang ilan sa kanila [mga Muslim] ay pinugutan ng ulo, ang iba naman ay sinaksak ng matalim na bagay, at magkagayun ay ihulog nila ang kanilang mga sarili pababa mula sa mga bakod, ang iba ay sinunog ng buhay, at walang anuman ang nasa lansangan ng Herusalem kundi ang mga ulo, mga hita, at mga kamay nang sa gayun ay hindi natin maiwasan ang maglakad sa mga patay na katawan at ito ay isang halimbawa sa kung anog nangyari.
Si Khalil Toutah at si Bolous Shehadeh (mga kristiyanong manunulat) ay nagsabi hinggil sa pagpatay ng maramihan, na nagsasaad na:
Ang ano mang ginawa ng mga kristiyanong kawal sa lugar na kung saan ipinako si Hesus at inilibing ( ayon sa bibliya ng Kristiyano) tunay na nakakahiya at isang pagkakasala. Itinuro ni Hesus sa kanyang mga alagad na mahalin ang kanilang mga kaaway; ngunit ang mga kristiyanong kawal, na ang batayan ng kanilang pagiging matuwid ay ang maluwalhating krus, pumatay ng kababaihan, mga bata, at mga nakakatanda. At kahit na ang mga nakatakas mula sa Aqsaa ay sinundan ni Godephry na kilala bilang tagapagtanggol ng banal na libingan, at ng siya ay nasa Java upang labanan ang mga taga ehipto, siya ay nagkasakit at humiling sa kanyang mga taga-sunod na siya ay ibalik sa Herusalem at doon siya ay namatay. Siya ay inilibing sa simbahan ng Nativity.
Sa hindi inaasahang pangyayari, ang ganitong uri ng pakikidigma ng mga kristiyanong kawal upang makamtan ang banal na lugar ay hindi isang bagay sa nakaraan, na maaaring iniisip ng karamihan. Ito ay nagpapatuloy sa pamamagitan ng maraming kilalang kristiyano at ang mga kilalang mga may katungkulan sa kasalukuyang panahon. Gayun man marami sa mga kristiyano ang nagbibigay ng tamang pananaw dito, ang mga hudyo at mga muslim, sa kabilang banda, ay pinananatili ang mapait na karanasan patungkol sa madugo nitong kasaysayan.
Ang mga misyonaryong kristiyano sa nakalipas at sa pangkasalukuyang panahon ay tumitingin sa kanilang mga gawain bilang isang pang-aakit sa mga tao para sa marahas na pagpapakilala para sa pagsulong ng hangarin(krusada).
Ang mga pulitiko ay tinitignan ang kanilang pinagsamang pamantayang patakaran laban sa ibang nasyon bilang isang marahas na pagpapakilala para sa pagsulong ng hangarin(krusada). Sa ibang salita;
ang pagpapaubaya sa iba ay hindi bahagi ng gawaing kristiyano. At hindi kaakit-akit ang hindi pagsang-ayon sa mga katuruan ng mga Propeta(sumakanila nawa ang pagpapala ng Allah). Itinuro nila ang pagpapaubaya o pagpaparaya at ang pagsasagwa nito. Sila ay nagdala ng gabay at ilaw. Ngunit, ang malubhang pagkakasalungatan sa kanilang mga katuruan na nagbunga sa marahas na panghihimok para maisulong ang hangarin, malubhang paratang, pang-aalipin, hindi pantay na pagtingin at pagkilala, pananakop at pagbabanta sa mga tao ng pinagsamang mga pamantayan.
Ito ay nararapat na sang-ayunan ng Mataas na pinuno ng mga muslim at ng lahat ng mga muslim, at pinapangunahan ng Allah at ng Kanyang Propeta, hangga’t ang kabilang panig ay nanatili dito at nagbabayad ng Jezyah. Sa katotohanan si omar ang kauna-unahang nagpalaya sa Herusalem mula sa puwersahang pananakop ng mga Romano.